Prelude

17 3 0
                                    

I hate him.

Kasi playboy siya. Kalalaking tao ang landi-landi. Walang pinipiling lugar ang kakirihan niya, makakita lang ng babaeng mahaba ang buhok at maputi, magpapakilala na siya.

I hate him.

Kasi wala siyang modo at mayabang. Bastos siya, kahit teacher o mas matanda sa kanya, hindi niya ginagalang. Akala niya kung sino siyang gwapo, kahit totoo naman.

I hate him.

Kasi ang tali-talino niya sa academics. Lagi lang akong pumapangalawa sa kanya.

I hate him.

Kasi gusto niya laging nasa kanya ang spot light; gusto niya laging napapansin.

I hate him.

Kasi kahit itanggi ko, pati ako naattract sa kanya.

I hate him. 

Kasi lagi niya akong inaasar. Na minsan wala na sa lugar. Ngunit aminin ko man o hindi, nakamiss din nung tinigil niya.

I hate him.

Kasi kahit takot na akong magmahal, tinuruan niya akong buksan ang sarado kong puso. 

I hate him.

Kasi kahit alam kong Playboy siya at paglalaruan niya lang ako, sinugal ko pa rin ang nadarama ko para sa kanya.

I hate him.

Kasi I still gave him a chance to teach me how to love again despite of his attitude and his actions.

I hate him.

Kasi kahit alam kong sasaktan at sasaktan niya ako, binigyan ko parin siya ng Chance na saktan nga ako.

I hate him.

Because, I love him.

Now tell me, will that Chance be worth it?

ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon