UIIWaS

234 5 9
                                    

"Kuyaaaaa! Malelate na tayo. Sabi sa school mo 5:00 ng hapon nandun ka na. 4:00 na ohh" pano ba naman kasi nagbabasketball na naman sa may court dito sa plaza. Hehe. Malakas talaga boses ko

"Tara. Ang ingay mo" kita niyo na. Di ako mahal ng kuya ko. Pero syempre joke lang yun, kasi ang sabi ng kuya ko mahal na mahal daw niya ako

Nang makarating kami sa bahay naghalfbath agad ang kuya ko

"Yasmin, nasan na ba ang kuya mo?"

"Nasa taas na po ma"

"Sige"

Nung matapos ng maghalfbath ang kuya ko.. Umalis na kami papuntang Seminary. Bale ganito kami sa loob ng kotse

Papa Mama

Kuya Ako

Magi earphones na sana ako ng akbayan ako ng kuya ko

"Ikaw Isabel.. Magpakabait ka" si kuya lang tumatawag sakin ng Isabel

"Ako pa! Ang bait ko kaya" tumawa naman sina mama "Bakit kayo natawa ma,pa?"

"Kasi hindi ka mabait, Isabel" napatingin naman ako sa kuya ko. Mabait naman ako ahh

"Hindi po ba ako mabait?" kunyaring maalumanay na sagot ko. Best Actress here.

"Joke lang yun. Mabait na makulit ka, anak" sabi ni mama kaya naman nagtwinkle agad yung mata ko.. Kita niyo na, mabait ako makulit nga lang. Hehe. Tumikhim ang kuya ko, kaya naman napatingin ako sa kanya

"Isabel. Tatandaan mo bawal ka munang magkaboyfriend. Love na love ka ni kuya"

"Oo naman kuya. Di ako magboboyfriend. Love na love din kita kuya" Niyakap ko siya ng mahigpit

*Seminary

"Ganito pala dito, kuya. Ang ganda tapos hindi pa masikip" inakbayan ako ng kuya ko

"Psh. Yung lalake ata ang tinitignan mo ehh" napatingin naman ako sa sinasabi ng kuya kong lalake.. Psh. Ampanget.

"Tong mukhang to papatol dun" nakachin up kong sabi. Tumawa naman ng mahina ang kuya ko

"Ikaw talaga.. Huwag kang magmamaldita dun sa atin. Kapag may nangaway sayo magsumbong ka sakin at uuwi ako agad dun"

"Kuya, kaya ko ang sarili ko no! Wala ngang nagtatangkang mangaway sakin dun kasi takot sila sa gwapo kong kuya" pagmamalaki ko sa kuya ko. Sila mama halata namang nakikinig sila samin ehh. Ginulo ni kuya ang buhok ko. Psh. Wala akong dalang suklay!

"Sige. Ipapasok ko lang sa dorm tong mga gamit ko" tinanguan ko lang si kuya.

Tinignan ko ang paligid at napako ang tingin ko sa isang lalakeng naglalabas din ng gamit sa compartment ng kotse nila. Ang gwapo! Shems! Ang angas niyang tignan! Crush ko na ata siya! Tumingin siya sakin at ngumiti. Y-yung mukha ko ang init na. Nginitian niya akoooo!! Whoooh!

"Yasmin Isabel Perez!"

"Ay! Shemay!"

"Type mo yung lalakeng yun, Isabel?" tinuro ni kuya yung lalake kanina

"Hindi kuya ahh!"

"Isabel, I'm watching you" seryosong sabi ng kuya ko

"Kuya naman.. Nagwagapuhan lang ako"

"Ang sabihin mo crush mo. Okay lang magkacrush ka basta kilala ko" tumango naman ako

*riiiiiing riiiing

Time na nila kuya ibig sabihin papasok na sila sa dorm nila tapos matagal ko siyang di makikita kasi tuwing Miyerkules at Linggo lang ang visiting. Naramdaman kong nagblublurr na yung paningin ko..

Unlucky I'm Inlove with a SEMINARIAN(One Shot)Where stories live. Discover now