Hi.
Hahahaha.
Since mukhang nabibwisit na yung nga FB friends ko dahil sa mga out of the blue, random posts ko, naisip ko na dito naman ako mambibwisit. Para kunwari, writer na din dahil may pinapublish ako sa wattpad. Frustration ko kaya ang magsulat #ShareKoLang hahahah
So ayun na nga...
Hahahaha..
Wala ako masabi. Charot! Forgive me for being awkward. Hahahaa
Ambilis ng panahon no? Yung eksenang antagal mo hinintay ng two-day rest days mo tapos wala, tapos na agad. So many things to do, so little time. Parang makatulog ka lang ng ilang oras, feeling mo, sobrang dami mo ng na-missed out sa buhay. Feeling mo, isang linggo ka na agad na walang malay.
Tapos, alam niyo yung feeling na antagal mong hinantay na mag rest day ka para makapagpahinga, tapos pagdating na nung mismong araw, di ka naman makatulog sa sobrang kakaisip. Mga bagay na malayong mangyari, o kaya naman yung mga nangyari na pero iniisip mo na, "What if ito yung ginawa ko nung time na yun?"
Masyadong madaming pantasya, pag-iisip at mga bagay na dapat ng kalimutan pero pilit pa din nating ibinabalik dahil maaring isa ito sa mga masasayang bahagi ng buhay o kaya nama'y kaganapan na gusto nating baliktarin ang kinahinatnan.
Shet. Ang lalim ni bakla!! Hahahah #SoRandom
Ang daling sabihing dapat na nating limutin no? Pero ang hirap gawin?
Ang daling sabihing magpakapositibo tayo, pero nuknukan ng hirap gawin!Kung ang pagbabago ay nagagawa lamang sa isang iglap, gaya ng puting dulot sa isang labahan ng Tide...
For a change, sana naman matutunan ng isip kong puro fries, pizza at spaghetti lang ang tumatakbo sa loob nito. San man lang kahit minsan, yung sakit na dulot ng sobrang pagkain na lang ang balik balikan nito.. 🍴🍔🍟🍝
BINABASA MO ANG
SHORT SHORT SHORT
RandomRandom thought. Random hugot. (photo credits para sa aking Queen P cover )