Ginataang Kalabasa at Galunggong

4 0 0
                                    

Nauuso ngayon yung mga reading glasses na color black, tapos parang half frame lang siya sa paligid ng lenses. Nagtanong nga ako sa EO kagabi kung pwedeng papalitan yung frame nung reading glass ko kaso antagal ng reply #ShareKoLang

Anyways, high waist, Norway. Ang hirap ng malabo ang mata ano? Kelangan mo pang pasingkitin yung mata para maaninag ang mga bagay bagay. Ang hirap din naman dumepende sa reading glass. Ngayon, anong pipiliin mo? Ang mahirapan aninagin kung anong paparating sa'yo, pero ayos lang kasi walang mabigat o kung anong bagay na nasa mukha mo? o gamitin yung aparatong magbibigay daan para makita mo ng malinaw yung mga bagay na nasa harap mo, pero hindi ka naman komportable?

May mga punto talaga sa buhay na mahirap magdesisyon, lalo pa't kung alam mong hindi lang naman ikaw ang magiging apektado.

Para sa sarili mo, o para sa mararamdaman ng ibang tao?
Para sa kasiyahan mo, o para sa ikatutuwa ng iba?

Pero ganyan naman kasi tayo. Matiisin. Medyo martir. Kunwari masaya, para lang tapos na ang usapan. Ang labo. Kasing labo ng mata ko!!!

Kelan kayo matututo ang tao na piliin yung mga bagay na magpapasaya SA KANYA? Piliin yung mga bagay na gustung-gusto niya? At maging masaya dun sa mga desisyon na 'yon ng hindi iniintindi ang sinasabi ng iba?

Ano ba 'yan. Usapang mata lang kasi, kung san san na napunta.

Para 'di ka na din umabot pa sa ganitong #hugot, kumain ka ng kalabasa para luminaw ang mga mata mo!! MARAMING, MARAMING KALABASA!! Gataan mo, tapos partneran mo ng ubod ng lutong na galunggong na isinawsaw sa magkahalong Datu Puti vinegar at bagoong isda! Happy eating 😁🐷🍴🍛

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT SHORT SHORTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon