Part 1

12 1 0
                                    

Eunice's POV


Pumunta ako sa dating tambayan namin. Napasimangot nalang ako ng wala pa sya doon. Kahit kailan talaga yung lalaking yun, lagi nalang late squint emoticon May usapan kasi kami na magkikita kami ngayon.


"Kahit kailan talaga-- ay kabayo!" napasigaw nalang ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod, tsaka ako hinalikan sa pisngi.


"I miss you." bulong nya sa tenga ko, kinurot ko sya sa braso tsaka hinarap.


"Bakit late ka?" taas- kilay na tanong ko sakanya. Natatawang kinurot nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.


"Hindi po ako late. Kanina pa ako dito. Nagtago lang." tinampal ko ang kamay nya at nagsimula ng maglakad. Hinabol naman nya ako at inakbayan.


"Sabi ko i miss you." ulit nya pa, napangiti nalang ako.


"Tanong ba yun?" pagma- maang- maangan ko.


"Tsk." natawa nalang ako ng unahan nya ako sa paglalakad. Napailing nalang ako. Tinawag ko ang pangalan nya pero hindi parin sya tumitigil.


"JASPER GARCIA I MISS YOU TOOOOO!!!" sigaw ko dahilan para mapatigil sya at mapatingin samin ang lahat ng tao dito sa park.


"Ano ulit?Di ko narinig!" nakangising tanong nya, tumakbo ako palapit sakanya at kinutusan sya.


"Aray!" tatawa- tawang hinabol nya ako, para kutosan. Oo, nangungutos din po sya squint emoticon gentleman nya nu?^^


"Eeuuunnnn!!" napatingin ako sa paligid ko. O___O Agad akong napatigil ng mapansin na pinapanuod na pala nila kami. Hala ka?


"Aray/Ouch!" nagka- untugan kami ni jasper na ikinatawa ng tao sa paligid. Sinapak ko nga sya sa braso.


"Masakit yun a!" sabay himas ko sa ulo ko.


"E ba't ka kasi tumigil?" tanong rin nya sabay himas sa ilong nya. Natatawang piningot ko sya sa tenga at tumakbo palayo sa park.


"Nakakahiya! Pinapanuod nila tayo!" sumbong ko sakanya sabay pasok sa kotse nya.


"O,e ano naman?Ayaw mo nun?" nakangising sabi nya, inirapan ko nalang sya. Pumasok na rin sya sa kotse tsaka pinaandar ito.


"So kamusta ang school?" tanong nya sakin. Napasimangot nalang ako.


"Hassle! Ang daming project!" sagot ko sakanya, na ikinailing nya.


"I told you eunice don't stress yourself too much! Diba sabi ko kapag may project ka, sabihin mo sakin para matulungan kita!" sermon nya sakin. Napangiti nalang ako, jasper hate's kapag pinapagod ko ang sarili ko.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon