Part 2

8 1 0
                                    

*Continuation*

 "Wala yan! Marami nyan si manong. Di ba manong?" tanong nya pa dito, natatawang sumagot si manong.

"Oo naman, kayo talaga, oo. ng kukulit nyo." tinuro ko si jasper.

"Sya po kasi e." sabi ko sabay subo ng kwek- kwek.

"Anong ako?O,nganga!" sabay subo nya sakin ng fishball. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ma- nong ow!" pagsusumbong ko sakanya.

Napailing nalang sya sa kalokohan namin. 

 "Ang sweet nyo naman. Tignan nyo ang nasa paligid, nakatingin sa inyo." sabat ng isang babae samin, napatingin kami at nagpeace sign. Naghiyawan ang lahat nung bigla akong hinalikan ni jasper sa noo at pagharap ko.

"KYAAAAAAAH! ANG SWEET NILA!!" halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Agad akong npaiwas ng tingin sakanya. 

 "Grabe ang sweet nyo! Bagay na bagay kayo!" tili ng isang babae samin, nginitian ko nalang sya.

Namumulang napayuko ako, nakakahiya! *///////////* Ohgawd! Kahit hindi sinasadyang magkiss kami sa lips, nakakahiya parin! Ang daming tao, for god sake. 

"O,tama na yan! Manong bayad po o. Keep the change." binigyan nya ng 500 si manong at hinila ako palayo dun. Natatawang niyakap nya ako kaya hinampas ko sya sa dibdib nya.

"Alam mo, hayaan mo na yun, nangyare na e." kinurot ko sya sa tagiliran.

"Ewan ko sayo, tara na!" aya ko sakanya. Pumunta kami sa condo nya, as usual manunuod ng movie.

"I want this o. A second chance!" sabay bigay ko sakanya ng DVD. Sinalpak naman nya iyon..

Umupo ako sa sofa habang nahihintay na magsimula ang movie. Tumabi sya sakin at agad na pinulupot ang mga braso sa bewang ko. Sumandal ako sa dibdib nya.  

 "Maganda ba yan?" tanong ko sakanya. Naramdaman kong nagkibit- balikat lang sya.

"I don't know. Hindi naman akin yan e." sagot nito, kay jasmin siguro to. 

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas ng makatulog si jasper squint emoticon kahit kailan talaga to. lagi nalang ako tinutulugan. Lumayo ako ng konte sakanya at pinagmasdan sya.

Napangiti ako ng makitang mahimbing ang tulog nya. Gwapo naman si jasper e. Matangos ang ilong, magandang kilay, mahabang pilik- mata at kissable lips din naman, red lips pa.

Mabait, gentleman, makulit, mapang- asar, malambing, masayahin pero minsan moody din sya. Nakakaya ko namang sabayan kapag moody sya. Minsan magtatampo nalang sya ng di ko alam kung bakit.

Kilala na rin namin ng isa't- isa. Bawat galaw, alam na alam. Bawat kilos kuhang- kuha. Para kaming kambal na ang laki ng connection sa isa't- isa.

Si jasper yung nag- iisang tao na hindi ako iniwan. Sya yung nagpapalakas ng loob ko, sya yung dahilan kung bakit nakakaya kong lagpasan ang mga pagsubok ko sa buhay.

"Done checking?" napangiti ako ng magsalita sya. Alam kong kanina pa sya gising. Nagmulat sya ng mata at tumingin sakin.

"Thank you." sabi ko habang nilalaro ang hikaw nya sa tenga.

"For what?" niyakap ko sya ng mahigpit at binulungan.

"For everything." ulit, hinalikan nya ako sa noo at niyakap pabalik.

"Anything, just for you. You know that you're the most important person in my life, Eun. I love you, always remember that." napaiyak ako.... sa sobrang saya. Lagi nyang sinasabi sakin ang bagay na yan. Kabisadong- kabisado ko na nga e.

"I know... and i love you too." naramdaman kong hinahaplos nya ang buhok ko sa likod.

"Always take care Eun. Madalas wala ako sa tabi mo para bantayan ka." tumango ako sakanya.

"I will, you too." pinunasan nya ang mga luha ko sa pisngi.

"It's time." muli ay niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.  

 Tumayo ako at inayos ang sarili, ganun rin sya. Sabay kaming lumabas ng condo nya at pumunta sa parking lot. 

 "Text me or call me, eun. You know, what to do." tumango ako sakanya at lumapit sa di kalayuang kotse. 

 "Come on." binuksan nya ang pinto ng kotse pero bago ako pumasok ay tinignan kong muli si jasper malapit sa pinto ng building. 

 Ngumiti sya at kumaway. Ganun rin ang ginawa ko at pumasok na sa loob ng kotse, sa passenger seat. 

 "How's your day with him?" tanong nya sakin at pinaandar ang kotse. 

 "Good." sagot ko sakanya. Tuluyan na nga kaming umalis sa parking lot.

Pinagmasdan ko si jasper mula sa side mirror, nakita kong malalim syang bumuntong hininga bago pumasok ng building. 

 Tumingin ako sa driver seat si Joshua Gomez......  




MY BOYFRIEND. 

 and 

 Jasper Garcia is..... 














































































































































 MY BESTFRIEND

***

- reinejeixx

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon