ZYLE
Nakaupo lang ako habang hinihintay siya. Ang bagal. Pagong ata siya.
" GOOD MORNING WORLD!" Pambungad ng pinakapangit ( joke) na bestfriend ko. I looked at her plainy at tumayo.
" Tapos ka na? Tara na." Cool na sabi ko.
" Zyle, sure ka ba dito? Walng bawian?" Bawian? I think wala na. Di na ako papayag na may mangyari ulit.
" Yes. Sana handa sila." Sabi ko.
" Paano kung may nakahanda na pala?" Di yan natatakot, nagaalala yan.
" France, tama na. Nega ka na eh." Tumawa ako.
" Eh. Kasi naman. First yan." Sabi niya. Tumigil tigil siya jan, baka masampal ko siya.
" Pwede ba France! Stop throwing tantrums!" Sigaw ko sakanya. Sumimagot naman siya.
" Ok, ok! Chill. Tara baba na tayo!" May siglang sabi niya.
At bumaba na kami.
My name is Xenia Zyle Saavedra, 16. And I'm a mysterious kind of person, they say. But I know that I'm not that good for them to fell.
" Who's car?" Bumaling ang tingin ni France sakin. France Diane Mitchelle. My bestfriend.
I raise my hand, masyadong maganda ang Porsche ko para iparada lang. Show-off kung baka. She climbed at my car and we drove off.
Pagparda pala ng kotse ko ay commution na. Hindi para samin yun. Sa klaseng nababalutan ng dark aura. Ang Diamond.
" Lagi na lang." Napailing na lang ako sa sinabi ni France. Totoo naman, laging matalas ang tingin sa klaseng yan. Ewan ko ba, pero ako din naman ay kinakabahan sa kanila.
" Sa tingin mo? Sino nanaman?" Tanong ko sakanya. She shrugged.
Hindi naman sila yung pinapatay at minamassacre. Nawawala ang isa sakanila at nakikita rin naman pero pagkaraan ng ilang araw ay makikita mo na lang na patay na. Pinatay nila ang kanilang sarili. Sa loob mismo ng eskwelahan. Minsan ay nakikita namin yun at nakakatakot, nakkkakilabot ang eksena. Yung iba nga lumipat na ng school. Ako, hindi. Ayoko. Bawal pa.
" Hey!" Pangiinterupt ni France, kasama ko nga pala siya.
" Y-Yeah. Tara na." Sagot ko sakanya.
Lumakad na kami papuntang room. Sapphire, ang section namin. Malayong malayo sa Diamond, ang star section.
" Xen!" Tawag ng isang pamilyar na boses. Ay puta! Lumingon ako, siya nga!
" Crush!" Uy, mga utak niyo ah. Crush Vergara, ang isa ko pang bff, babae siya.
" Uy!" Tinusok niya ang tagiliran ko. " Crush mo ko ah!" Tinaas baba niya ang kilay niya.
" Oo nga Kras eh." Yan ang tawag ko sakanya, Kras. Wala lang.
" Eww. Tagalog names!" Tawa niya. Saya niya eh. Joke niya lang niya.
Tumawa ako. She's the funny one. Masayahin siya, sobra. Mabait din.
" By the way, I'm sorry." Sabi ko sakanya. She gave me a weak smile. That's unusual.
" Ok lang. Alam kong masaya na siya kung san man siya naroroon." Sambit niya habang nangigilid ang luha. She's really close to her.
" I'm so sorry, For Allie." Sabi naman ni France. Pinandilatan ko siya ng mata.
Allie Mendez. My friend. Siya ang isa sa mga nagsuicide sa Diamond. At nagtaka ako dun, she's my positive vibe. Yung nagpapatawa sakin kapag bad mood ako.
" Baka kasi napagod siya." Panggugumbinsi ni Crush. Pero hindi ako natinag. Hindi ako naniwala. Alam kong may tao sa likod ng mga pagpatay.
" Siguro nga. Tara! Start na." Pagsang ayon ni France. Naniwala naman siya. Napangisi ako. May nalaman nanaman ako.
" Shit. Quiz." Sabi ni France, bobo talaga toh. Nagpa surpise quiz lang naman si Ms.
" Di ka talaga nakinig noh?" Tanong ko.
" Never." At tumawa pa ang gaga. Adik to eh.
Panatag ang loob ko na hindi ako mababa sa test, I mean what's the meaning of me, being a valedictorian? Para maging tanga? No way.
" Puta ka talaga. Ang talino mo, hayop." France
" Alam ko." At inismiran siya. Sinapak niya ako sa tingin niya.
" Ok class, pass the papers." Sabi ni Ms. Floriano.
" Ang lakas." Bulong ni France.
" We~ ari~ we~ ari~ we~ ari~" May tumunog na phone. Up and Down ng EXID.
" Who's Phone?" Tanong ni Phoebe. Ang class president.
" Mine. Sagutin ko lang sa labas." Sabi ni Crush.
Boring naman. Sabagay, first class.
Nang biglang may naalala ako, shit. Tumayo ako at hinablot ang bag ko palabas. Nagsisisigaw pa si France, siguro nagulat yun. Nagpunta ako agad sa library. Dun ko siya nakita.
" Hi babe." Sabi ko sakanya, sabay kiss sa cheeks. He returned the gesture.
" Bakit ngayon ka lang? Nakalimutan mo noh?" Sabay wiggle ng brows niya. Oo na. Nakalimutan na nga.
" Sorry ah. Nawala lang talaga sa isip ko." Kung nagtataka kayo kung sino ang kausap ko, Knight Arevallo is the name. He's not my boyfriend, manliligaw pa lang.
" Sus. Kinakalimutan mo na ko. Ganyan ka." Sabay pout. Kala mo naman cute siya. Oo na nga, cute siya.
Tumawa ako. " Ang drama mo." Sabay bato ng crumped paper.
" Tara! Tutor na." Sabi niya. Oo, tutor niya po ako. Torture nga eh.
" Gosh! Di mo pa alam toh? San na utak mo?" Padabog na sabi ko sa kanya. Ang alam ko matalino siya eh. Bakit di niya alam magcalculate ng mabuti?
" Sorry na. Alam mo namang nagcacatch up pa lang ako sa subject diba?" Pagamin niya. Bakit kasi nagvarsity pa siya?
" Eh. Ok. Sige, ulit mo toh." Sabay turo sa isang maling nagawa niya.
" Yes, boss." Mabuti masunurin si kumag.
" Hmm." I nodded.
Lumipas ang oras, natapos na din kami ni Knight. Kinuha ko na ang bag ko. Kaya lang hinila ulit ako ni Knight.
" Ako na." Sabi niya, saby hablot ng bag ko. Nilagay niya sa kabilang balikat niya. Nagmumukha siyang bakla. Joke. Gwapong bakla naman niyan!
" Ano? Makatitig ha! Sobrang gwapo ko ba?" Nag pogi sign pa siya. Yuck.
" Pwede ba? Mandiri ka." Nandidiring sabi ko sakanya.
" Wala ka bang sweet bones? Kakairita." Mabirong sabi niya.
" Nakakairita? Sige, basted ka na." Biglang sabi ko.
" Sabi ko nga eh. Ang sweet sweet mo babe. Sobra!" Masayang masayang sabi niya. Ngiting wagi pa.
" Ewan ko sayo." Inirapan ko siya.
" Ang ganda mo talaga, Zyle." Manghang mangha sa kagandahan ko toh ah. Lagi naman.
" Anong kalokohan yan? Nag- aadik ka ba?" Tanong ko sa kanya.
He laughed and ruffled my hair. "Ano ba!" I hissed, sabay palo ng kamay niya.
" Cute mo kasi." Ano daw? Connect?
" Weird mo ngayon, Knight ah!" Ngiting ngiti naman siya skin.
" Ok lang na weird, basta ako lang weird sa buhay mo." Sabay kindat.
And this guy, people is making me smile.
____________________________
_______________________Emma Waston right there! She's Zyle.