Sabi ko nga. Naghihintay na yung kaibigan ko. Kasalanan 'to ng terror teacher namin eh. Kung ba't pa kasi siya pa yung sa last period. Inuubusan kami ng oras sa free time!
Ako nga pala si Style. First year college at may boyfriend. Si Sky. Oh diba katunog lang? Speaking of Sky, nagtext pala siya.
From: Sky
Kumain ka na?Napatingin ako sa relo. 12 p.m. Lang yang prof na yun! 11:30 labas namin eh!
To: Sky
Hindi pa. Kalalabas lang namin.Hindi na siya nagreply. Busy na siguro.
"Style, dito!" Rinig kong sigaw ni Narsha sa may di kalayuan. Pinuntahan ko nga at aba, sinapak ako!
May binigay siyang paper bag sakin.
"Pinadala ni kuya Sky! Grabe, alalang-alala yun sayo kanina." Sabi niya
"Alam mo naman kapag monday, yung laon na prof ang last period namin"
"Ay tama nga pala! Hindi pa yun umalis? Nak ng hanapan natin ng lovelife!" This time, ako naman ang sumapak sa kanya.
"Bakit mo ba yun pinapakealaman? Lovelife mo nga, di mo inaasikaso!" Sabi ko. Umaksyon naman itong parang nasasaktan. Parang baliw lang.
"Grabe siya oh, walang personalan naman diyan"
"Aysus! Kumain nalang tayo! Baka san pa to mapunta at di na tayo makakain"
Tahimik kaming kumakain... Sandali lang yung katahimikan dahil hindi na napigilang magdada ang kasama ko.
"Ano ba naman yang boyfriend mo Style! Napagkamalang bakla na yan eh! Puro na siya sumasama sakin bakit ka naman kasi laging busy?" Saad niya
Naalala ko na naman yung plano namin. Plano ko. Naiinis na kasi kami sa dalawang 'yan. Sina Narsha at Keith ang tinutukoy ko. And our way to make them realize that they are really destined to each other is to make them jealous.
Oo. Alam kong napakabayani namin para gawin ang bagay na iyon. Na para lang sa kanila. Eh kasi naman talagang naririndi na ako sa kanila! As ing halata at alam mo nang may gusto talaga sila sa isa't isa pero indenial pa rin! I know Sky and me have been through with that. But not that much.
So yun nga. Plano naming pagselosin ang dalawa. Pinilit ko na nga lang si Sky eh na magpanggap na may gusto kay Narsha. Ay hindi pala. Pinilit ko siyang magsama sila ni Narsha. Tama. Hindi namin kasi kami close nung boyfriend ni Mishelle at yung gagang yun hindi nagpapakita! Matadyakan nga yun pag nagkita kami.
"Sorry ha, ikaw kaya maging volleyball player tapos writer?" Tanong ko sa kanya habang pasimpleng tinitingnan ang text ng boyfriend ko.
From: Sky
Baby, kasama mo si Narsha? Nandito si Keith kasama ni Chloe. Kumain ka na? Nasa basketball court ako ngayon."Sabi ko nga, ikaw na ang talented!" Sabi niya. Nireplayan ko muna si Sky.
To: Sky
Oo kasama ko siya ngayon at kumain na ako. Ikaw ba?"Talented ka rin naman" pag-umpisa ko. Niligpit ko muna yung mga gamit ko saka ko siya tiningnan
"Ang pagkakaiba lang eh sa sports ako at sa music ka naman. May reporting pa pala akong gagawin. Pwede pakibigay nalang kay Sky to?" Inabot ko sa kanya yung libro.
"Thank you Narsh! Nasa basketball court siya. Lab yu babay!" Kaway ko sa kanya at nagmadaling lumakad. Ayaw kong mahalataan nya ako. Baka kasi mabuking pako eh di pa naman ako kasing galing ni Sky na umarte.
BINABASA MO ANG
Conclusions
RomanceBefore you become a cupid to others, try fixing yourself first. You'll not know you had lose someone because of it. Will Style realize it before it's too late? ------ A/n: TagLish :O