"Hey." Natigil ako sa pagtype ng may istorbo. Goodness. Kung bakit pa kasi ang dami kong inaccept na icheck. Pero okay lang naman atleast malaki ang bayad. Mwahaha. >:)
Nilingon ko naman kung sino ang istorbo at napasinghap ako ng makilala ko kung sino.
"Kuya Geoff!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya at umupo. Nandito ako sa mini park. Walang mga langgam dito dahil masyado pang maaga para mangharutan. Right. Absent ako sa first class ko.
"Wala kang klase?" Tanong niya. Siya si Geoff, kaibigan ni kuya Cyan.
"Eh absent po ako. Huwag mong sabihin kay kuya ah, first subject lang naman"
Tumawa siya "May I know why?"
"Late nagising dahil dito" ipinakita ko sa kanya ang ginagawa ko. Umiling naman siya.
"Tama nga si Cyan, masyado mong pinapagod ang sarili mo."
"Choks lang kuya. Kaya ko naman eh" sagot ko
"Di ba nag-alala ang boyfriend mo? Teka, Sky pangalan nun diba? Di mo pa pinakilala sa akin" nakasimangot nitong sabi.
"Paano naman lagi kang busy tulad ni kuya." Hindi pa kasi nito nakikita si Sky dahil kapwa silang may trabaho ni kuya. Mga tatlong beses lang ata nagkita at nag-usap sina Kuya Cyan at Sky. Tapos hindi naman matyempuhan kay Geoff.
"Teka kuya, bakit ka nandito?" Takang tanong ko. Dapat kanina ko pa yun tinanong eh ngayon ko lang napansin.
"Nak ng. Ngayon mo lang napansin? Pambihira. Nandito kami ng kuya mo dahil sa Alumni party bukas. May basketball practice kami kasama ng mga dati naming kaklase."
"Waaahh! Nandyan si kuya?! Bakit di niya sinabi?"
"Ewan. Teka. Kaya ako nagpunta dito dahil di mo ba nakita yung sa bulletin board niyo? May praktis daw mga volleyball players ngayon." Napasinghap ako.
Patay. Nag-announce na siguro sa first subject class ko at absent ako. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko. Kailangan kong itext si sky. Bakit di nagparamdam yun?
Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang---Shit, ang cellphone ko. Naiwan.
"Kanina pa ba sila doon kuya?" Tanong ko habang nililigpit ang aking bag. Masyado na ba akong lutang para maiwan ang bagay na importante sa akin? Or should I say tanga? Paano ko matetext si Sky?!
"Wala pa namang tao pagbasa ko. Pero habang papunta na ako rito, may nagpupuntahan na doon. Sabay na tayo?" Tumango naman ako at dali-dali na kaming pumunta sa gym.
Pagdating namin sa gym, wala pa ang coach. Salamat naman.
"Uy Style! Absent ka kanina ah?" Tanong ng isa kong blockmate.
"Late ako nagising eh. Buti naman at nainform ako ni kuya" tiningnan ko si kuya Geoff. Abala sa pakikipagchikahan sa mga barkada niya. Hinahanap ng mata ko si kuya. Asan na ba yun?
"Mabuti nalang talaga. Patay ka pag wala ka sa practice" nginitian ko lang siya.
Maya maya ay dumating na ang coach namin at pinaupo muna kami. Tsk.
"You can have your rest for awhile. Ini-occupy muna kasi ng mga Alumni. Huwag kayong mag-alala dahil madali lang sila at lilipat din pagkatapos." Paliwanag ng coach namin.
Lumabas muna ako sandali papunta sa canteen at nakita ko si kuya Cyan.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya at lumapit. Nakita naman niya ako at ngumiti.
"Nagkita kayo ni kuya Geoff mo? Nasa practice kami." Tumango ako.
"Siya nga nagsabi sa akin na may practice kami eh"
BINABASA MO ANG
Conclusions
RomanceBefore you become a cupid to others, try fixing yourself first. You'll not know you had lose someone because of it. Will Style realize it before it's too late? ------ A/n: TagLish :O