Chapter 1: The Transfer Student

28 0 0
                                    

His POV

"Kyahhh!" sigaw ng mga babae sa campus nang makarating na ako.

"Papa Roderick!!! I LOVE YOU!!!" sabi ng isang bading. Sh*t pati ba naman lalaki eh nahuhumaling na sa akin?

"Wah! Andyan na si Roderick!" sigaw ng mga NERDS. Oh diba ako na ang sikat!

Nang makarating ako sa room ay may sumalubong sa aking teacher... Si Ma'am Villanueva.

"Oh iho may ipapakiusap sana ako sa iyo. Pwede ka bang magparticipate sa darating na math quiz bee?" tanong ni ma'am.

"Ok lang po ma'am. Kelan po ba?" sagot ko sa kanya.

"Next month pa naman, pero kailangan na ng name ng participants" sabi niya at tumingin sa files na hawak niya.

"Sige po ma'am, sasali po ako. Thank you for asking me to join that contest" sabi ko naman sa kanya.

"No it's a pleasure to have you join since you're the top notcher of your batch" sabi ni ma'am na nakangiti.

"O sige po ma'am I'll be going ahead" saad ko at tinanguan ako.

Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa room namin. Tinungo ko ang akin upuan na nasa tabi ng bintana.

Teka lang! Nakalimutan ko palang magpakilala, ako nga pala si Roderick Michael Alvarez, anak nina Jeric at Michelle Alvarez, 16 years old at nasa 4th year high school. Sa pagkakaalam ko gwapo ako, mayaman, matalino, magaling sa lahat ng bagay at paborito ng lahat. Hindi pala ako magaling sa lahat ng bagay kasi hindi ako marunong magluto. Hindi naman kasi trabaho ng mga lalaki ang pagluluto kaya bakit kailangan kong matutunan? I love sports, reading and even studying but definitely not the cooking thing.

Setting that aside, nakatingin ako sa may labas ng bintana nang may biglang tumigil na limousine sa may parking ng school na tanaw dito sa pwesto ko. Hinintay ko kung sino ang lulan noon at nakita kong bumaba ang isang magandang babae na may mahabang buhok at maputing kutis. Nakapagtataka lang na hindi ko siya kakilala samantalang ako ang presidente ng aming school council.

Sinundan ko ng tingin yung babae at nakita kong papunta siya sa principal's office kasama ng isang matangkad na lalaki.

HER POV

"We're here little sis... sa bago mong school" sabi ni kuya Brandon.

"Kuya... can't I just stay in my old school?" tanong ko kasi naman wala akong kahit na isa man lang na kakilala dito.

"Sis... you know that you need to attend here. Mom and dad explained to why right? And besides its not only you who'll experience it, same thing will happen to Brenda. Look just be friendly and everything is gonna be alright." paliwanag niya.

~Yeah right be friendly~ I don't really like that idea. Who is Brenda? She's my twin sister/bestfriend. She's the only one who can understand me.

Ang reason ng parents ko? Gusto daw nilang maging sociable ako at para na rin daw makita ko ang school na pagmamayari ng pamilya namin. Hmp! Ni wala nga akong kainteinteres dito eh. Don't get me wrong, ayaw ko lang talagang paespesyal ang turing nila sa akin.

Tungkol naman sa pagiging unsociable ko, I simply hate the idea of friendship na may halong motibo eh since anak ako ng parents ko at mayaman sila andaming gustong makipagkaibigan sa akin para lamang suportahan ng pamilya ko ang negosyo ng pamilya nila. Ito ang unang problema ng mga anak mayaman, yung tipong mahihirapang magtiwala sa iba.

Bumaba na kami ng limousine at nagdiretso sa Principal's Office, office ni mommy, para kunin ang schedule ko.

"Good morning Mom. Can I get my sched now?" sabi ko habang humahalik sa pisngi ni Mommy.

"Here you go! Make friends soon!" sabi ni Mom habang ang lapad ng ngiti. Inabot na niya sa akin ang schedule ko kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

Pagkalabas ko ng office ay tiningnan ko ang schedule na hinanda para sa akin ni Mommy. First subject ko ay Trigonometry na susundan ng Chemistry then English, pang umaga yun and good thing una ang Math na subject.

Pinuntahan ko ang room ko dapat 3-A. Ano ba naman si Mommy kakasabi ko lang na ayaw ko ng special treatment eh.

Kumatok muna ako since sarado yung pinto dahil full air conditioned ang mga room dito malamang mga brat ang napasok dito eh, tsss. So nagsisimula na pala ang klase.

Pinagbuksan naman ako ng isang hindi katandaang babae na hula ko at professor. "Ikaw na ba si Bianca Eliza de Guzman?" tanong niya sa tinugon ko sa pamamagitan ng pagtango.

"Ok please get in and introduce yourself to your new classmates" sabi niya na sinunod ko naman.

Tumayo ako sa harapan ng klase at nang igala ko ang aking paningin ay halos lahat ng nandon ay lalaki, anim lang ata ang mga babaeng nakita ko.

"I'm Bianca Eliza de Guzman, 16 years old. Pleasure to meet you all." sabi ko at nagbow. Custom na sa family namin ang pagbow ewan ko ba hindi naman kami mga hapon.

"Now class please have the liberty to ask her whatever you want. I give you the time for the rest of the class" sabi ni ma'am. Kainis nga eh gusto ko nang tumahimik pero hindi pwede pinaupo muna ako ni ma'am sa tabi nung lalaking mukhang masungit.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ng lalaki sa harap ko. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ate anong school ka galing?" tanong ng isang babae sa bandang likuran.

"Sa BE International Academy of Arts" sabi ko. E doon naman talaga ako nanggaling.

"Wow ate ang yaman mo pala" sa niya.

At tinapunan pa nila ako ng iba't ibang tanong.

RM's [Roderick Michael] POV

Asar! Simula nang pumasok yung babae ay siya na ang naging sentro ng atensyon. Kanina nga eh naguusap kami ni Joseph bigla na lamang natulala tapos nung umupo na yung babae tinanong na siya ng tinanong ng mga kaklase ko nakisali na yung kambal na sina Joseph at Nathaniel, mga gaya gaya.

Nadinig ko pa nga si Nathaniel na tinatanong kung may boyfriend na yung babae. Paanong hindi madidinig e katabi ko lang yung babae. Ang epal ng babaeng to.

Yung lang ang masasabi ko tungkol sa kanya. Ah meron pa pala, well maganda siya, maputi at MATARAY ang dating niya.

Naiinis ako sa presensya niya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang sagutin ang tanong na ibinabato sa kanya.

Natapos ang klase namin ng hindi man lamang ako napapansin ng buong klase dahil sa kanya. Naiinis na talaga ako sa presensya niya!

Nagpunta kami sa Cafeteria noong breaktime, kami nina Joseph at Nathaniel ah at oo nga pala kambal silang dalawa.

Noong nakapila na kami ay napansin ko si transfer student. Kasama nung madaldal na si Mikah.

============

First Chapter done!!! Yehey!!! So ayun na nga papalit palit ako ng inaupdate matripan na lang. Sana magustuhan niyo at pakibasa na din po ang iba ko pang story. Yun lang po thank you sa pagbabasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their Love PotentialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon