Chapter 1
Silly
"May off lotion kaba?" Tanong sakin ni Jazzy, pinsan ko. I don't really know why I came here. I just realized that I will be bored to death on my room kapag hindi ako umalis manlang for the weekend.
Luckily, overnight namin sa school ngayon at kahit na medyo kabado kami ni Jazzy sinubukan parin namin na pumunta. Yun nga lang ay halos hatakin na muna niya ako palabas ng kwarto ko bago napapayag na pumunta rito. Ayoko sana na sumama lalo na at wala naman akong hilig sa mga outdoor activities gaya ng gaganapin sa aming school ngayon.
Excited na excited si Jazzy lalo na at mga senior na ang nag oorganize nitong event na hindi naman namin alam kung ano ang mga gagawin. Ni hindi kami makapag handa ng maayos dahil don. Naiinis lamang ako kapag naiisip ko na naman ang pag kapilit sa akin.
Pero pinag bigyan ko na lang siya bukod sa wala naman akong gagawin ay wala rin siyang pwede na maging kasama sa malakihang event na ito. Hindi pa kami masyado kilala ng mga kaklase namin dahil iisang linggo palang ang pasok at nahihirapan kami makisama sa kanila lalo na at may kanya kanya silang grupo agad. Mag kakasama na kasi silang lahat mula pa noong grade 1 hanggang grade 6. Samantalang bagong salta kami.
Pwede ko na naman itong gawin na oportunidad para makisalamuha sa mga tao sa bagong eskuwelahan na pinapasukan ko. Lalo na at hindi kami tatagal sa high school ng walang kaibigan. Hindi na rin masama ang pag sama ko...
"Hoy, Jules! Ang boring! Mag hanap naman tayo ng gwapo oh?" Naka halukipkip na sabi ni Jazzy sa tabi ko. Agad akong napatingin sakaniya. Pinapawisan na siya at talagang hindi na maipinta ang mukha.
"Oh sige. Baka mamatay ka na jan kapag hindi pa tayo kumilos rito eh." Pang aasar ko. Sinimangutan niya lang ako at hinila na patayo sa kina uupuan naming stand ng ring sa basketball.
Nag lalakad lang kami habang nag dadaldalan at pilit na hinuhulaan ang mga activities na gagawin mamaya.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang natigil sa pag sasalita at niyuyog ang braso kong kanina niya pa hawak. "Jules, tignan mo yon!" Impit na sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata. Agad kong sinundan ang tingin niya.
"Asan?" Tanong ko.
"Ayun oh... Yung nasa taas!" Itinuro niya pa gamit ang nguso niya ang ikatlong palapag ng bulding na kaharap namin. Hindi ko naman makita ng maayos dahil sa dilim doon sa gawing iyon.
"Wala naman eh..."
"Alam mo? Bulag ka talaga. Nasa taas, yung naka suot ng Rayban's na yellow." I laughed a little. He's wearing sunglasses in the dark? What kind of weirdo does that? Nag papatuloy lang kami sa lakad ni Jazzy hanggang sa unti unti kaming naka lapit doon sa building.
"Hindi naman gwapo." Pairap na komento ko ng nasulyapan ang lalaking may suot suot na Rayban's. Dalawa ang lalaking naroon. Ngunit hindi masyado makita yung isa dahil sa madilim masyado habang nasinagan ng ilaw galing sa poste ang sinasabi ni Jazzy.
The guy... he's cute. Matangkad at matipuno naman. Yun nga lang, tingin ko medyo moreno ang isang yon. Na isang bagay na hindi ko masyadong tipo siguro dahil na rin karamihan rito sa lugar namin ay halos moreno.
"Halika rito muna tayo sa gilid at mag intay." Kinikilig na bulong ni Jazzy at akmang uupo sa malapit na bench. Napaka kunot ang noo ko sa kalandian ng babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter
Teen FictionSometimes, we can't really stand with the argument that "Young love isn't real. It is just some petty attraction." especially when you cannot contain how strong the feeling is. Credits to lypooch for the cover!