Arithmetic Phobia

378 2 3
                                    

Pangungunahan ko na kayo, ang akdang ito ay walang intensyon na siraan ang asignaturang matematika, nais ko lang ihayag ang aking opinyon ukol dito. Kaya pasintabi po sa guro ng mga matematika, BSE major in mathematics, BS Math, engineering students at sa mga tao’ng may kinalaman sa matematika lalo na ang mga nakadiskubre at nakaimbento nito. Malay ko, malay mo, malay natin’g lahat ang hinaing ko ay hinaing din ng katabi, kakilala, kaklase, magulang at kasintahan mo.

May itatanong ako sayo…

Sige basta wag lang math.

            Teka! Teka! Bakit nga ba madalas ganito ang isinasagot nila. Ako lamang ay labis na nagtataka. Kung mayroon man’g isang bagay na hindi ko maintindihan mula pa noong sekundarya, ay kung bakit maraming tao ang allergy sa algebra, trigonometry, geometry at calculus samahan pa ng statistics at kung ano- ano pa’ng mahirap na math. Alam mo ba’ng ang takot sa math ay tinatawag na Arithmetic Phobia? Sino- sino nga ba ang tao sa likod ng paglitaw ng matematika sa mundo’ng ibabaw. Pag nakilala ko sila piho’ng akin’g kukutusan  nang bente- kwatro oras. Ginawa nilang komplikado ang pag- gamit sa numero.

            Sabi nila ang matematika ay sadyang kasabay nang isinilang ng tao sa mundo. Pero bakit umabot sa puntong naging komplikado ito? Sino ba ang may problema? Yung tao’ng nag- aaral at nagtuturo nito o yung asignatura mismo? Bakit nga ba kailangan nang mga ganito’ng kahirap na matematika? Magagamit ko ba to sa mga ordinaryong gawain araw- araw?

            Sa bawat pagtik tak ng kamay ng orasan o relo mo, dapat mo pa ba’ng alamin na ang katumbas ng bawat numero na nakaukit sa bilog na iyan ay pwede’ng   (pie over two) at   (six pie over five) o baka naman 2π (two pie) lang.

            Kung halimbawa nagustuhan mo’ng bumili ng balot at nagtanong ka sa paraan ganito: “Manong, magkano ho ang duck fetus with embroyonic juice?” at sinagot ka ng ganito: “Find the compounded amount and interest of 60, 000 loan for 3 years at 8% compounded quarterly. Use the formula of n=mt” yun pala 12 lang ang sagot. tingnan ko naman kung mapaibig ka pa sa balot.

            “Anak bumili ka naman ng isang boteng mantika sa tindahan” wika ng nanay mo. Pero bago ka bumili kukuhanin mo pa ang square root of the sum of two similar terms ng presyo ng mantika saka mo isusubstitute sa value ng x and y tapos ipaplot mo pa sa Cartesian Plane gamit ang compass, graphic paper at ruler. Pagtitiyagaan mo pa’ng kuhanin ang volume nito sa pamamagitan ng logarithmic functions corresponding to the Pythagorean theorem leading to the complex rules of addition. Kung hindi mo magagawa lahat yan hindi kayo makakapagluto ng prito’ng isda. Bibili ka pa kaya? O hayaan na lang tawagin ka’ng tamad?

Dear Math,

Algebra pwede ba’ng tigilan mo na ang kakahanap sa X mo at kakatanong ng Y. Move on pare! At ikaw naman Trigo at Geometry kayo nga ang magsolve ng sariling problema niyo wag niyo iasa sa amin may problema rin kami’ng amin at tama na ang pagpapasolve ng equation na undefined naman o no solution ang sagot.

                                                                                                            Nagmamahal,

Estudyanteng naka- singko sa math subject

Bakit nga ba ako galit o takot sa math, ikaw? Tayo? Bakit? Samantalang ito ay kasama na natin sa pang araw- araw na pamumuhay. Ang mga larong basketball, chess, baseball, scrabble, pusoy, tong- its, 9- ball at iba pa ay walang saysay kung walang bilangan ng score. Ang mga laro’ng ito ay walang dating kung walang math. Aminin man natin o hindi nakakaaliw naman talaga ang math sa ibang bagay.

            Isipin mo na lang kung may alarm clock ka, paano ito tutunog kung hindi nga gagamit ng numero. Paano na lang kung magka- negosyo ka, paano mo malalaman kung gaano kataas ang income mo at gaano kalaki ang capital na binitawan mo? At kung talagang makulit tayo paano ka mabubuhay kung walang math? Parang nakalutang ang tao kung hindi ito nauso at nadiskubre. Ang problema na laang ay kung paano natin ito iintindihin, pakikitunguan at aaralin.

            Kumpara sa ibang asignatura, mas marami ang di hamak na natatakot at kinakabahan pag nasa math class na. Kadalasan ito pa ang klase na marami ang lumiliban, nagpapalate, nakanganga, tahimik at nangongopya. Mapa- kristyano, Iglesia, Muslim, Probinsyano, Manilenyo, Artista, Katulong, Mag- bobote, o kahit dayuhan ay hindi makakaiwas sa nakaka- trauma naman’g talaga na asignaturang ito. Swertehan na lang kung talagang may tao’ng nabiyayaan ng kakaibang talino, yung tipong hindi nagnonote pero laging pasado sa quiz o exam at madaling nakakaintindi ng math equation. At syempre iba pa rin kung masipag ka talagang mag- aral at hindi pumapayag magpatalo sa mga numero.

            Kung saka- sakaling may kumandidato’ng Anti- Math party list sigurado ako’ng marami ang susuporta dito.

            Kalahati sa populasyon ng mga estudyante ay tila tubig at mantika ang relasyon sa matematika. Kung ating mapapansin karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay pumipili talaga ng mga kursong walang kaugnayan sa matematika, kung mayroon man ay yung konti’ng- konti lang. Kaya nga taas ang kamay na sumasaludo ako sa mga tao’ng nasa BS Math, BSE major in math, Engineering at kung ano- ano pa’ng kurso na may koneksyon sa asignaturang ito nakakaya nila’ng magtagal sa ilalim nang umuulan na numero. Lalo na ko’ng namamangha sa mga gurong magagaling magturo nito dahil mahirap ito’ng iaalok sa estudyante kung sa paninda ba ay matumal ang bentahan pero sa bandang huli natututunan ng mag- aaral mahalin ang asignaturang ito.

            Mahalaga pa rin na ipaunawa mula pa sa pagkabata na ang math ay sadyang nakapulupot na sa buhay ng tao. Naitanong mo na ba sa sarili mo kung noong bata ka palang kaya ay nagsimula ka nang magsaulo ng multiplication table, at nag- aral ng division noong Kinder ka pa lamang at minaster na ang MDAS rule ay ganito pa rin ba’ng kahirap sayo makitungo sa matematika? Siguro hindi! Or worst OO! Ewan.

Arithmetic PhobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon