Inaabangan ko na yung bus na maghahatid sa amin ngayon papunta sa isang restaurant na matatawag kong bunga ng pinaghirapan. Isang linggo na ang nakalipas mula nung opening
pero di ako nakapunta kasi nga exam namin, medyo mahirap naman kasi talaga ipag sabay ang pag-aaral at paghahanapuhay kung tawagin ito ni Tresh, kaya excited na ako ngayon na
makapunta sa restau tsaka may ininvite rin kasi si Tresh na mga students daw na mga nag oOJT palang para daw mas mainspire . Ah bsta ewan ko dun sa lalaking yun ang daming
alam nun eh. At ito na nga yung bus na maghahatid sa amin , pagkabukas palang ng pinto bumungad agad sa akin ang malaking good morning ni Jules isa sa mga kaibigan namin at since
super duper supportive sila , si Jules ang nagpresenta na maging driver nung bus, well his older than me ng mga 4 na taon kaya nakagraduate na siya at kahit ang laki ng agwat ng edad
namin ayaw niyang tinatawag siya na kuya ng barkada.
"Oh Jules, morning din kasama mo ba si Bea?" tanong ko habang nasa labas parin ako. "Hindi eh, may klase raw eh" sagot niya. "Oh ano, di ka ba papasok?"- "Oo, na papasok na PO"- at pumasok na ako sabay nakakalokong tawa
Pinaandar nia na yung bus at sumigaw ng " SABI NANG WAG MO AKONG e PO eh, pAGAKAKAMALAN AKONG MATANDA" at tinawanan ko nalang yung sinabi niya.
Na parang walang mga studyante na nakasakay sa bus, medyo nakakahiya nga eh.
"Ta...tairra?"-mukhang narining ko ata ang pangalan ko ah pero parang sa tono ng pananalita niya ay di siya sigurado. "Oohh my gosshh TAIRRRAAA!!!!!!!!!!! ikaw nga."- at si di inaasahang pagkakataon
"SHIENIEEEE!!!! ahhhhh"- sigaw ko pabalik. Sakto namang pumreno si Jules kaya nasubsob tuloy ako sa taong nasa harapan ko , hindi si Shienie kundi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagtingin ko sa lalake" Naku pasensya na Macky...." tumayo na ako at "huh, Macky?"- ano ba tong bibig ko kung ano-ano lumalabas sabi ko sa sarili ko.
Napabalik ako ng tingin sa lalaki at "MACKY???"- napasigaw na naman ako at pumreno na namn ulit si Jules at dahil hindi pa ako naka alis sa harapan ni Macky , ayun nasubsub na naman ako.
Pero bakit pang ang lambot, bakit parang ang bango..... ang bango ng hininga niya? huh? hininga? malambot? Napabalikwas tuloy agad ako ng marealize kong nagkadikit ang mga labi namin
"Sorry." yan nalang ang tangi kong nasabi sa kanya at tumalikod na ako sabay sigaw kay Jules ng "Bakit ka ba preno ng preno ah.-" "Eh may sumisigaw eh , alam mo namang magugulatin ako."
At lumapit na ako sa upuan ni Shienie. Nakikita ko sa peripheral vission ko na nakatingin siya kaya tinabunan ko nalang yung pagmumukha ko sa sobrang hiya. Bakit parang may kirot parin.
Bakit kumikirot parin, inihanda ko na yung sarili ko dito eh. Ba't ganon? at sa di ko inaasahan nakaramdam nalang ako ng isang maininit na likido na bumabaybay sa pisngi ko.
"Tai... okay ka lang?"- tanong ni Shienie at tumango nalang ako. "Nakita ko yun.....sorry, di kita nasabihan.... di ko rin kasi alam na sa restau mo kami pupunta. Sana natext man lang kita."
"Ano ka ba Shienie, hindi mo kailangang magsorry tsaka isa pa tama lang rin siguro na nagkita kami."- sabi ko nalang kay Shienie.
"Ah Shien, alam ba nila na isa ako sa may ari?."- tanong ko nalang ng maiba naman ang topic namin. "Sa ngayon di pa, ang alam lang nila ay isang studyante rin ang nagmamay-ari."- sagot naman niya.
"Ah, mabuti na rin yun."- At di nagtagal nakarating na kami sa restaurant medyo maramirami narin ang mga kumakain dito.
"Good Morning Everyone"- masayang bati ni Tresh sa amin. "Im Tresh Ian..." pagpapakilala ni Tresh sa sarili tapos sinenyasan niya ako nga lumapit na sa kanya.
" and this beautiful woman beside me is Tairra Miles and we are the owner of this retaurant."
" We all know na 1 week kayo dito kung baga kami ang mag e inspire na sa inyo kahit na 1 week lng kayo dito pero parte parin ito ng pag oOJT ninyo so, since today is your first day, gusto muna namin na maglibot libot muna kayo, mag observe at mag enjoy. If you have questions, wag kayong mahiyang magtanong. "
Sabi ko eh, yun naman kasi talaga ang plano at para mas mainspire sila dahil ang concept ng restaurant eh yung kung anong hirap ang pinagdaanan namin ni Tresh para dito.
"Nga pala kung sino yung walang interes dito you may now go, o yung mga may importanteng pupuntahan , you may go. Attendance lng tayo ngayon pero kung aalis kayo , wala kaming magagawa"-dagdag pa ni Tresh
Macky's P O V
I.....I-I don't know what to say.Siya ba talaga yun? Pero ang laki ng pinagbago niya. Aishh...napangiti nalang ako ng maalala ko yung nagyari kanina. I don't know why pero....pero
nong maramdaman ko yong paglapat ng labi niya sa labi ko parang tumigil yong pag-ikot ng mundo na parang tanging kaming dalawa lang yung nag eexist sa mundong ito.
But then alam kong galit siya sa'kin at yon ay dahil sa isa akong gago. Ngayon nasa isang restaurant kami at di ko akalaing isa siya sa may-ari nito, sobrang laki nga talaga ng pinagbago niya.
At noong akbayan siya nong Tresh...pssh.. tunog pambabae... ewan ko pero sobrang naiinis ako na sa tipong naikuyom ko nalang yung kamay ko. It's been 2 years mula nong nagpakagago ako,
at dahil doon nasaktan ko siya ng sobra. Ako yung nanakit pero bakit ngayon naiinis ako na may kasama siya lalaking yon. Kumakanta siya ngayon dito para maaliw yung mga customers nila,
absent daw kasi 'yung singer dito , kaya siya muna 'yong sub. Mabilis ang takbo ng oras at sa buong araw ay familiarize na namin yung mga nakaatas sa amin at sa unang araw palang namin dito
andami na naming nakuhang tips about business. Hayyy..... tayo ng umuwi at nang makapagpahinga
Tairra's P O V
Days had past and sobrang awkward talaga lalo na't minsan lang din makapunta dito si Tresh kasi may inaasikaso pa siya, kaya wala akong choice since 1 week lang rin ako free kasi pagkatapos
ng 1 week kailangan ko ng pumasok kakatransfer ko lng kasi. Kaya kailangan ko ring asikasohin dito habang di pa ako masyadong busy.
Macky's P O V
Ilang araw na rin ang nakalipas pero bakit parang pansin kong umiiwas siya sa akin, ewan ko pero yung pakiramdam na gustong gusto ko syang lageng nakikita.
Na gusto ko lagi siyang nandyan, gusto ko syang maka usap , gusto ko syang mayakap. Alam kong kasalanan ko pero pinagsisihan ko na iyon, ngayon napatunayan kong mararamdaman mo lang
ang importansya at halaga ng isang tao kung wala na siya sa piling mo. At kung nakikita mo siyang nakangiti, masaya kasama ang iba.
Sana darating ang araw na ako'y magkakalakas ng loob upang maka usap ko siya , dahil hindi ko na kakayaning mawala pa siyang muli sa akin.
@Perfectly--Imperfect