Sobrang pait! (oneshot)

78 3 2
                                    

"how many lives do you need to live before you find someone waiting for?" seryoso kong pagbasa sa back cover ng librong torment na sequel ng fallen by lauren kate. Simula kasi ng nabasa ko ang fallen ay nainlove na agad ako sa isang character doon na nagngangalang daniel grigori. Nandito ako ngayon sa national bookstore para "daanan" ang torment book. Opo. Dadaanan lang dahil wala pa ako pambili. -_-

"ah! Ano ba!" sigaw ko ng may kumiliti sakin galing sa likod. Automatic na nagsitinginan ang mga tao sa paligid.

"nandito ka na naman?! Halos araw araw ka ng dumadaan dito!"

Paglingon ko ay hinatak ko agad ang kanyang kamay at kinaladkad sya palabas ng bookstore. Napansin kong maraming babae ang nakatingin sa kasama ko.

" ano ba cholo?! Sinusundan mo na naman ako?Bakit ka ba nangingiliti! Nakakahiya tuloy" inis kong sabi sa kanya.

"yun lang? Wala man lang hi or hello o yakap muna? Tsk tsk! " dismayado nyang sabi habang napapailing.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng umakbay sya sa akin. Lagi naman ganito ang nararamdaman ko tuwing magkikita kami, pero hindi ko yun sinasabi sa kanya. .at hinding hindi ko sasabihin.

"anong pinagsasabi mu jan! Hoy cholo mandiri ka sa sinasabi mo,pektusan kita jan eh! Tara na nga,alammkong dala mo kotse mo." ngiti ko sa kanya

Napakamot siya ng ulo ngunit nakangiti pa rin sya. Pagdating namin sa parking ay binuksan ko agad ang pinto, saktong nakapasok na ko sa loob ng may lumapit na dalawang babae sa kanya. Tinted ang sasakyan ni cholo kaya hindi ako nakikita ng mga ito.

"hi kuya. Pwede pong pakipirma dito? Nagkaroon lang po kami ng dare."sabi ng babae na may inabot na kapirasong papel at ballpen,halatang kinakabahan at nahihiya.

Cholo: anong dare naman yan?

"kailangan lang po namin magpapirma sa isang gwapo at mayaman. Eh sakto po nakita namin kayo. Ok lang po ba?"

"sure!" ngumiti ng malapad si cholo na akala mo ay nanalo ng trip to las vegas at pinirmahan na ang papel. Pagkaabot nya sa babae ay nagpasalamat na ito at tumakbo na pabalik sa mga kasamahan. Si cholo naman ay pmunta na sa drivers seat.

"ngiting panalo best ah? Jinojoke time ka lang naman ng mga yon" pang aasar ko sa kanya habang sinusuntok ng mahina ang balikat nya.

Binelatan lang nya ako at pinatakbo na ang sasakyan nya. Sa totoo lang gwapo naman talaga siya, At nagtataglay sya ng 5M.(mabait,mayaman,matangkad,moreno,maappeal) Nakatingin lang ako sa bintana di ko napansin na andito na kami sa bahay.

"salamat! Sa uulitin para libre ulet. Hehe" -ako

"ang totoo nyan may pakay talaga ako." sabi nya n parang nahihiya

"ano yun..?tara pasok ka muna" pgpasok naman namin ay nakahanda na ang hapunan,pinaghalong ampalaya at itlog.

"dito ka na kmain cholo,pasensya ka na sa ulam" sabi ni mama

"sige tita,thanks!" kinindatan pa nito si mama at kilig na kilig naman ito.

Umupo na kami sa mesa at nagsimula ng kumain

"ano ulit ung rason bakit sinundo mo ako kanina?"

"kasi may nakilala akong babae, shes almost perfect, inlove na talaga ako sa kanya at dahil bestfriend kita gusto ko sana ikaw unang makakilala sa kanya." habang binabanggit nya yun ay kita mong masaya sya.

Parang dinurog ang puso ko ng sabihin nya yun. Pero syempre ay hindi ko yun pinahalata. Pinilit kong ngumiti ng hindi peke ngunit hindi ako nagtagumpay, nasasaktan talaga ako. Bakas sa muka nya ang pag aalala dahil tumutulo na ang luha ko. Tinatanong nya ako kung ano ang nangyari pero di ako makapagsalita.walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko ma aaring aminin sa kanya dahil iiwasan nya ako. Kahit maging isang bestfriend ako habang buhay ay ayos lamang bastat nasa tabi ko sya. Alam ko rin naman na imposible na maging kami.

"huy anong problema bakit ka umiiyak?" napatigil sya sa pagkain at nakafocus ang atensyon nya sa akin.

Hndi ako makaimik agad dahil nag iisip ako ng idadahilan.

"sobrang pait ng ampalaya nakakaiyak na!" seryosong sabi ko. Mahirap na. Baka maghinala sya. Napatingin sa akin si mama na magkasalubong ang kilay pero hindi na ito nagsalita pa.hindi na napigilan ni cholo ang tumawa. Namumula na sya, kung alam lang nya. . Tumawa na lang din ako.

"hanep ka! Kala ko kung napano ka na! Haha! Nakalimutan kong sira ulo ka nga pala!haha" nangingilid na ang luha nya sa kakatawa habang ako ay nasasaktan pa rin ng hindi nya alam.

"umuwi ka na nga! Wag kang mag alala sunduin mo lang ako kung makikipagkita na tayo sa kanya." tulak tulak ko sya palabas sa pinto habang sya ay natatawa pa rin

"oo na uuwi na ko. Kinabahan ako kanina akala ko may gusto ka na sakin pare. Haha! Salamat kay tita pati na rin sayo. . . Jomar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sobrang pait! (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon