Fourteen

22 0 0
                                    

Natry or naexperience nyo na bang makagawa ng isang kasalanang sadyang hindi mo sinadya? Oo na hindi?

Naglalakad ako nun kasama yung dalawang kaklase ko. Galing kasi kami sa pageensayo dahil nasali kami sa one and only troupe sa School. Masyado itong magulo. Nawalan kami ng adviser, nagkaissue ang isang kasamahan namin at iba pang nakasira sa pangalan ng grupong nasalihan namin. Sa kabila nitoy masasabi kong nabago ako nito. Ang dating tatahitahimik ay tila namukadkad na.

Habang kami ay naglalakad, hindi namin naiwasan na pag usapan ang aming mga kaklase at ilabas ang tinatago nilang baho. Alam naman naming NORMAL iyan sa mga estudyante (lalo na sa mga babae) pati narin naman sa mga matatanda. Nang hindi ko naisip at biglang sinabi ko ang bagay na pinakainingatan niya at ipinagkatiwala sa akin.

Nag iisa lang ako nun nang makilala ko ang isang babae. Sa unang tingin ko palang sa kanyay napakarami nang mga salita ang nabuo ko. Kagaya na lamang ng masungit to, matalino, bookworm, mayaman, spoiled brat. Paano ba naman, nakasuot kasi sya ng isang reading glass na bumagay naman sakanya ngunit naitago nito ang maganda niyang mga mata.

Ilang linggo at buwan na ang dumaan mula noong araw na iyon. Ngunit ngayon ko lang napatunayang ilan sa mga nasabi ko ay mali. Napakabait nito, mahinhin, ngunit tama ang hula kong bookworm at matalino siya. Paano ba naman nang minsan habang wala pa ang guro namin eh nilabas niya ang isang napakakapal as in na libro. Pagkatapos niyang basahin yun, tanda ko pang itinaas nya ng konti yung salamin niya at tila ba may pinahid ito gamit ang kanyang daliri. Tungkol daw iyon sa kapangyarihan at mga laban-laban. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Nalaman kong kaya sya gumagamit ng salamin ay dahil malabo na raw ang mga mata niya.

Tumagal pa ang aming samahan. Sabay na kaming nagrerecess at sabay kaming bumibili ng kahit anong pagkaing may tsokolate kagaya ng Combi. Paborito nga namin yun eh. Kaya naman naramdaman kong paunti unting pumupondo yung mga kinain ko sa aking katawan. Gosh, ang taba ko na pero sya slim na slim pa rin. Pero hindi ko ni minsan narinig na pinagsabihan niya akong mataba.

Hanggang sa isang araw, napagkwentuhan namin ang tungkol sa mga nagugustuhan namin. Umamin akong nagkakagusto ako sa isang kaklase namin. Ngunit nararamdaman kong mas gusto ko yung dating lalak---ah basta! Kalimutan nyo na lang. Ayun nga sa una nagkaasaran kami pero sinabi niyang secret nalang yun at hindi nya raw sasabihin. Ganun din naman ang ginawa ko.

Mas tumagal nga ang pagkakaibigan namin. Hanggang sa mag Grade8 na kami. Pero nang tumuntung kami sa aming silid aralan, akala ko walang magbabago pero lahat akala ko lang pala. Nagulat ako nang isang araw may sinabi sya saakin. Hindi ko halos inakalang magagawa niya iyon ngunit hindi ko nalang masyadong dinamdam o inisip pa ng mas malalim ang bagay na yun. Hanggang sa nasundan nang nasundan ang pangyayaring iyon.

SOT? Ano nga bang alam ko sa bagay na yan? Wala naman eh.

Ibinaon ko ang bagay na yun sa limot. Naging totoo ako sa kanya kahit na nakakaramdam ako ng kaunting hiya at ilang. Alam ko sa sariling totoo ako sakanya. Oo, totoong mahilig akong makipagplastikan ng hindi nalalaman ng kausap kong palstikan na ang ginagawa ko. Alam ko yun sa sarili ko.

Nang mag Grade 9 kami, hindi na kami naging ganun ka close. Nangingiti na lang kami sa isat isa at halos hindi na kami makapagshare ng mga feels namin.

Sa aming paglalakad, dumating ang puntong napag-usapan namin siya. Ang tanging babaeng naging kaclose ko ng mga panahong walang nakakakilala sa akin. Ng mga panahong loner ako.

Hindi ko halos makilala ang sarili ko. May pumipigil sa aking ipagsabi yun ngunit mas malaki ang porsyentong nagsasabing sabhin ko. Kaya't nasabi ko ang di dapat malaman ng iba.

Labis kong pinagsisihan ang bagay na iyon. Lalo na noong isang araw sa aming klase ay pinag-uusapan na ang mga bagay na ikinalat ko.

Nagsisisi ako pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung papaano.

Kinompronta niya ako pero hindi niya ako pinagtaasan ng kilay o pinagsalitaan ng masama.

Ang bait niya talaga. Hindi ko sukat akalaing magagawa kong traydurin ang isang taong malapit sa akin at sinira ko pa ang tiwala niya.

Hindi ko na alam kung saan hahantong ang pagkakaibigan namin pero sana balang araw mapatawad niya ako ng buong buo. Hindi ko man makuha ng buo ang tiwala niya, ang matanggap na lang niya ang sorry ko eh okay na.


Sorry talaga. Hindi mo man ito mabasa basta sorry, sorry, sorry.
BTW, I miss those times na nagsheshare ka saakin pero sino pa nga ba ako ngayon para magdemmand? Anyways, I miss U ¥_¥

Lines Of KabaliwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon