Jeep

187 3 1
                                    

Isang umaga, sumakay ako ng jeep. Wala pang gaanong pasahero. Konti lang kami.

Nasa bandang gitna ako ng upuan. Enjoy ang biyahe. Bukod sa mabilis ang biyahe dahil walang trapik ay may tugtog din. 

Sumisipul-sipol ako. Sinasabayan ang beat ng music. Ayos! Slow Rock ang tugtugan!

Ilang minuto ang nagdaan at unti-unting dumami ang pasahero ng jeep hanggang sa mapuno ito. Para na kaming mga sardinas sa lata! Ah hindi pala, maluwag pa pala 'yun. Para na pala kaming Corned Beef in can! 

Siksikan. Ang init. Pero ok lang. Masaya pa din ako. Happy in english.

Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng 'di maganda. Nag-iba ng anyo ang kanina'y mukhang itik sa pagngiti kong pagmumukha. Nangasim ang mukha ko bigla. Nakita ko ang aking sariling nagpapawis ng malamig at namumutla.

Pambihira! Nag-aalburuto ang tiyan ko!

Natatae ako!

Pumanatag ang loob ko nang maramdaman kong madadaan ko sa utot ang VERY-UNTIMELY-NA-PERWISYONG-TAWAG-NG-TRONO na 'to. Pero may problema. Dahil sa siksikan, tiyak na matunog 'tong utot ko. Hindi ko maiaangat ang puwet ko para wala itong tunog at swabe kong mailuwal at maipakalat sa malawak na mundo. 

Ah! Alam ko na!

Umaliwalas ang mukha ko at may lumabas na bumbilya sa kanang ulo ko. Nakaisip ako bigla ng magandang ideya. Isasabay ko na lang sa beat ng tugtog ang pag-utot ko. Siguradong walang makakapansin 'pag gano'n ang ginawa ko.

At inilabas ko ang hangin na nagpapahirap sa'kin kasabay ng bawat beat ng tugtog.

"Prrooooooott, Prooot, Pprrooooooot, Proot-Proooooot, Purooorooooot!"

"Whew! Nairaos ko rin." Sabi ko sa'king isip.

Taas noo kong tiningnan ang mga mukha ng mga katabi ko at kasama sa jeep. Confident ako na perfect ang timing ko. Confident ako na hindi nila napansin ang combo kong pag-utot.

Hehehe.. Kawawang mga nilalang. tsk tsk tsk. Walang kamalay-malay na umutot ako. Ang galing ko talaga! VICTORY! HAHAHA!

Maya-maya'y tiningnan ako ng masama ng mga kasabay ko sa jeep, pati ng driver. Napaisip ako.

Pa'nong nangyari 'yon? Nahalata kaya nila?

Nag-isip ulit ako at bigla kong naalala...

na naka-headset pala ako.

[ This is entirely and purely fictional. And also, this is not my original idea. I just wrote it my way. hehe.]

JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon