Untitled Part 2

5 0 0
                                    

"As I recall, the first time I laid my eyes on you, I saw forever. You were smiling while reading your favorite book. That moment, I said to myself that I am going to marry you because for me, you are not just a beautiful person but also the most wonderful woman next to my mom. Cassey, today, in front of your friends, I want you to know how much I love you and with that, I wanna ask you, will you be my wife?", kinakabang sambit ni Renz habang masamyong nakatingin sa kaibigan niyang si Cassey.

Iyon ang naabutan ni Paige habang papasok siya sa restaurant na pina-reserve pa ang private hall na bahagi niyon ni Renz para sa magiging marriage proposal nito sa kaibigan niyang si Cassey. Pinanuod niya muna ang "scene" bago siya umupo sa silya niya.

"Of course! I will marry you, Renz!", naluluhang tugon ni Cassey. Sabay halik nito sa mga labi ng nobyo.

Maya-maya pa ay nagsimula na silang kumain.

"Congratulations, Renz and Cassey!", bati niya sa mga ito.

"Thanks, Paige. Nga pala, ba't late ka na naman?", puna sa kanya ni Cassey.

Nag-aalangan siyang sumagot. "Ah, eh, kasi...may dinaanan lang ako saglit."

"Hay naku, if I know, kagigising mo lang kasi magdamag ka na naman nasa party kagabi", sita sa kanya ni Ayen. Sa kanilang magkakaibigan, si Ayen ang tipo na kahit hindi siya magkwento ay alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Tila ba may mga mata ito kahit saan man siya magpunta.

Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat, pati si Renz at mga kaibigan nitong sina Clay, Hiro at Vico.

"Baka naghahanap ng boyfriend prospect", pang-aasar ni Vico.

"Hindi, pare. Tingin ko, nagpakalasing kasi siya na lang natitirang single sa kanilang magkakaibigan. Si Cassey, engaged na kay Renz. Si Ayen, blooming na blooming sa relasyon nila nitong si pareng Clay. At si Anicko naman, syempre nandito ako para saluhin siya," panggagatong ni Hiro kay Vico. "Eh itong si Vico naman, mukhang may pinopormahan na chikas eh," pahabol pa nito.

"Guys, watch you words, " sabi ni Ayen.

"Saka, hoy, Hiro! Kilabutan ka nga sa sinabi mo! Saluhin? Yuck!," nayayamot na sabi ni Anicko.

Napailing na lamang siya habang nagtatawanan ang mga ito. Ayaw na niyang magpaliwanag sa mga ugok na ito. Basta alam niya na alam ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanya noon at kung bakit siya sensitibo sa mga usapang pag-ibig.

Nagkibit balikat na lang ang mga lalaki at pinagpatuloy ang pagkain. Nang ilang minuto ang nakalipas ay pumailanlang ng mgandang tugtugin sa loob ng restaurant. Nagtuksuhan pa ang mga ito at kinalaunan ay sumayaw ang mga ito sa gitna. Naiwan siya sa table pati na din si Vico, Anicko at Hiro.

Ang madaldal na si Hiro, hindi nakatiis. "Anicko, let's dance."

"Let's dance mong mukha mo!," tugon nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang inaakto ng kaibigan nya, pero kung anong dahilan pa man iyon, alam niyang may kinalaman ito kay Hiro.

Napatingin siya sa direksyon ni Vico. Umiinom ito ng wine habang nakatingin sa dance floor. Bahagya itong tumingin sa kanya. "Wag mong sabihin gusto mo akong isayaw?," naghahamong tanong nito.

"What a big ego you've got there, Vico," sabay smirk.

"Whatever."

Nang ma-bore siya ay nagtungo siya sa common powder room ng restaurant. Napatingin siya sa reflection niya sa salamin. Ang mga mata niyang halatang walang masyadong tulog at hanggang ngayon ay wala pa ding emosyon. Nang matapos siya sa pag-aayos ay lumabas na siya ngunit may nakasalubong siya sa hallway.

"Fancy meeting you here," ani Ryan. Si Ryan ang walang kwentang ex-fiancé niya. Oo, walang kwenta.

"What do you want?"

"What do I want? I dont need anything from you, Paige. I am actually having a dinner meeting here with my girlfriend's parents." Pagmamalaki nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. "Wow! Ang bilis naman! Parang last month lang tayo nag-break ah." Napailing siya. "Iba ka rin talaga, Ryan. Basta usapang pera, gusto mo mabilisan." Ang current girlfriend nito ay anak ng CEO ng isang talent agency.

Nakita niya na nagbago ang ekspresyon ng mata nito. Halatang nasaktan ngunit pinatigas pa din nito ang mukha. "Oo naman, Paige. Mahalaga sa akin ang pera, at kung ikaw ang mapapangasawa ko, wala akong mapapala sa'yo. Well, hindi ka naman mahirap kung tutuusin, kaso hindi pa rin sapat para paligayahin ako," pang iinsulto nito.

Sa mga sinabi nito ay nampal niya si Ryan. At nang makabalik sa huwisyo ay dali dali siyang bumalik sa private hall at nilunod ang sarili sa alak sa may mini bar.

Habang umiinom siya ay hindi niya namalayang nakalapit na pala si Vico sa kanya.

"What a waste. You were already drunk when you came here and now, you're drinking again? Are you crazy, woman?," naiiritang tanong ni Vico.

Napatingin siya dito at sa mga kaibigan niyang ngkakasyahan ngunit ibinalik din niya ang tingin sa kanyang baso. "He was my life."

"He?"

"Si Ryan."

"Who the hell is Ryan?"

"My life."

Mataman siya nitong tiningnan. "Are you drunk?"

"I was his fiancé."

Matagal bago ito sumagot kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "We were together for 5 years. Imaginine mo, 5 years, 5 long years! Pero nabalewala lahat ng iyon dahil lang sa ibang babae.  Diba? Putang ina lang. Alam mo bang nakita ko siya kanina? Of all people! At dito pa ha? At dito pa!," medyo nagiging emosyonal na siya pero dahil na din siguro sa sakit ng ulo niya kakainom kaya lalo siyang nagiging emosyonal.

"You know, guys like that has no balls at all."

"I know, right. At alam mo bang, ikakasal na dapat kami in 6 months! O diba? Nakakagago talaga. At alam mo ba kung anong dahilan? Dahil sa pera! Sa pera! I insulto niya ko kanina, Vico. Wala daw siyang mapapala kung makasal kami. Hindi ko daw siya mapapaligaya dahil hindi daw sapat yung pera ko. Ang laking sampal 'nun ah! Oo, alam kong kumpara sa anak ng CEO, wala talaga akong mapapala, pero kung sa pangkaraniwan lang, aba! Ipakain ko sa kanya ang pera ko sa banko, eh!," naiinis na naluluhang litanya niya.

"You know what, Paige? You're drunk already. Ihahatid na kita sa inyo. Ipagpapaalam lang kita kina Cassey," sabi nito na tila binalewala nito ang pag-eemote niya. Inalalayan siya nito pero nagpumiglas siya.

"Ayoko. Wag mo akong hawakan. Kaya kong umuwing mag isa. Hindi ko kailangan ng tulong ng kung sino man sa inyong mga lalake kayo."

Natawa naman ito. "I didnt know you're funny. Aalalayan na kita, kita mo nang babagsak ka na eh. Iinon tapos hindi kaya."

Tiningnan niya ito ng masama. "Kaya ko. Kaya kong mag-isa."

"Paige, listen to me. Iuuwi na muna kita. Bukas kapag nahimasmasan ka na, mahihiya ka na sa mga pinagsasasabi mo sa akin ngayon. Kaya maigi pang, ipagpaalam na muna kita. Alright?," wika nito habang inaalalayan siya patungo sa mga kaibigan nito. "Cassey, ihatid ko lang muna pauwi itong si Paige. Mukhang ang laki ng problema eh," pagpapalam niya.

Agad namang lumit si Paige. "Naku, Vico. Pasensya na ah kung ikaw ang magdadala kay Paige sa condo niya. Hindi ko maiwan si Renz eh, nagkakasiyahan pa."

"No worries. I got this. Enjoy lang kayo and again, congratulations, Cassey."

"Thanks,  Vico. Ingatan mo si Paige! Bye!, " anito habang pabalik sa hall.


To be continued...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon