CHAPTER TWO

3.6K 91 10
                                    

FORTY-YEAR OLD KARL BOLIN WAS AT A TURNING POINT.

Two roads diverged in the woods...

He had always taken the safer route. Naging mabuti siyang anak, nag-aral at nagtapos. At kahit isa sa major stockholders ng Bolin-Plough Pharma ang pamilya niya, hindi niya ginamit iyon para magkaroon ng mataas na posisyon. Nagsimula siya sa pinakamababa. Kaya masasabi niyang, he earned his current position as CEO.

Nagpakasal siya noon sa edad na beinte-otso. Ah, ginawa niya ang lahat ng nararapat at inaasahan sa kanya para lang ma-realize nang nakaraang gabi kung gaano kahungkag ang buhay niya.

Diborsyado na siya pero kagabi lang niya napag-isip-isip na tila nakatali pa rin siya. Nakakulong. At naintindihan niya kung bakit humingi ng divorce si Tanja. His ex-wife was simply bored. He was a boring man.

Karl was an accountant. Numero lang ang naiintindihan niya. He thrived on orderliness. Chaos and uncertainty had no place in his carefully laid out life. He truly believed he was destined to be alone and that was fine with him.

Until last night.

She was the most beautiful, most exotic creature he'd ever seen. Ang Babaylan—iyon ang tawag ng mga taga-resort sa masahista o hilot na nakita niyang lumabas buhat sa katabing cottage. Nasa balkonahe siya noon, umiinom ng beer at tila aparisyon ang Babaylan sa mahaba niyong bestida na nang matapat sa ilaw ng poste ay naaninag niya ang hubog ng katawan.

Sing itim ng gabi ang buhok ng babae, umaabot na sa beywang. Naramdaman marahil ang presensya ni Karl sa kabilang cottage, napalingon ang babaylan. She had the face of an angel.

Bilang nag-iisang anak ni Petra Montinola-Bolin, The Petra Montinola of Philippine High Society, pangkaraniwan na kay Karl ang mapaligiran ng magagandang babae—from heiresses to models. Umabot na sa punto na pare-pareho na ang mukha ng mga babaeng iyon para sa kanya.

Pero bukod-tangi ang Babaylan. Her dark skin glowed and common sense told him it was probably because of the yellowish light from the lampost. Still, she glowed like she was lit from within. Her almond-shaped eyes seemed to beckon. The high cheekbones... the full mouth bespoke of innocence and deep understanding like she simply knew who Karl was.

Nagtama ang kanilang mata paglingon ng babaylan. And he must have been so mesmerized that he didn't know what happened next. Kumurap siya at wala na ang babaylan. Iginala ni Karl ang mata sa paligid ngunit ni anino ng babae, hindi na niya nakita. Ni walang indikasyon na binagtas niyon ang foot path patungo sa resort proper.

Karl found himself doing the unexpected. It was out of his character. Bumaba siya sa kanyang cottage at kinatok ang katabi. Pamilyar na siya sa mag-asawa or whatever na naka-check-in doon dahil ikalawang gabi na nila iyon pareho.

Ang babae ang nagbukas ng pinto. Walang inaksayang sandali si Karl. Tinanong niya kung sino ang babaeng lumabas sa cottage wala pang limang minuto ang nakakaraan.

Babaylan raw ang tawag sa babae. Hilot. Regular daw iyong nagseserbisyo sa mga bisita ng resort na iyon sa probinsya ng Samar. Sa information na lang daw siya mag-inquire kung nais rin niyang magpahilot.

Bumalik si Karl sa kanyang cottage at idinayal ang information desk. Hindi raw sa resort nakatira ang Babaylan. Sa Calbiga raw umuuwi iyon pero walang ideya ang kausap niya sa eksaktong address ng babaylan. Wala ring contact number at schedule kung kailan babalik sa resort ang babaylan. He got the impression that the woman just comes and goes as she pleases.

But Karl got the woman's name.

Arlanda.

He barely slept. By dusk, he was up. Yari na ang desisyon. Kabaliwan subalit may pakiramdam siyang hindi siya matatahimik hanggang hindi niya muling nakikita ang babaylan. Desidido na rin siyang baguhin ang kinasanayang pamumuhay.

ImpaktaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon