Hi, Crush!
"Uy, Diary, may crush ako. Oo, nakita ko siya kanina. Lintik. Para akong bakla. Pfft-- HAHAHA!"
"Ay, pucha! Ba't mo pinakailaman 'to, ha?!" sigaw ko sa ulol kong kaibigan na si Ric. Langhiya, pinakailaman mga gamit ko.
"Hahaha. Totoo, pare? Nagsusulat ka ng Diary?! Hahaha!" Binatukan ko ulit. Kanina pa 'to, eh.
"Eh, ano ba pake mo?! Kung naiingit ka, magsulat ka rin!" kako.
"Ang torpe mo kasi, pare, eh! Umamin ka na kasi! Diba sabi mo matagal mo ng crush iyong si... sino ba iyon?"
"S-si Shan." Kahiya namang umamin dito.
"Oh, iyon! 'Diba matagal mo nang crush iyon? Umamin ka na kasi para makapanligaw ka na ta's magiging kayo tapos-- Aray!" Binatukan ko naman.
"Grabe, sino ba ang may gusto? Ako o ikaw?" Grabe namang imahinasyon ng ulol na 'to.
"Ano ka ba! Magkaklase nga lang kayo, eh! Ang lapit-lapit mo lang sa kaniya! Umamin ka na baka mamaya maunahan ka pa."
Napaisip ako, oo nga. Baka maunahan pa ako.
"Oo nga, salamat, pare. May utak ka rin pala minsan? Hahaha," sabi ko.
"Welcome, ha!" sarkastiko niyang sabi. Pagkatapos naming mag-asaran bumalik na ako sa classroom namin. Tapos na rin iyong lunch break.
*Classroom*
"Okay, class, tutal Ind. Coop. naman natin ngayon, let's have a game," sabi ng adviser namin. Grabe lang si ma'am, ano kami, mga bata? =_= Iyong Individual Cooperative Learning ay free time. Depende kung gagamitin ng adviser ang time.
"Ay! Sige, ma'am!"
"Ma'am, truth or dare nalang."
"Ay, spin the bottle tayo!"
"Ano, class? What game do you wanna play?" Hala. Play talaga?
"Ma'am, iyong spin the bottle nalang daw sabi ni Ciel," wika ni Moira.
"Oo, ma'am!"
"Okay, okay. Spin the bottle na daw."
Tapos ayun, nag-form nga kami ng circle sa floor. Ang korni lang!
Pinaikot na ni Maddy iyong bote. Kung sino iyong matuturo ng bote, 'yon iyong tatanungin at iyong katapat niya naman ang magtatanong o mag-uutos sa kaniya.
Tinignan ko si Shan, iyong crush ko. Oo na! Crush ko na! 'Ang ganda niya talaga,' sabi ko sa'king sarili.
"Psst. Marcus! Marcus!" napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Maddy.
"Oh, bakit?"
"Ay, baliw. Ikaw magtatanong kay Coleen, oh," sabi niya. Tinignan ko naman iyong bote. Nakaturo nga kay Coleen na siyang katapat ko naman.
"Ano Coleen, truth or dare?" tanong ko. Nagisip-isip muna siya bago nagsalita.
"Truth...? Sige na lang, truth." Nag-isip ako ng puwedeng itanong at dahil sa iniisip ko si crush, bigla kong natanong...
"Sino crush mo?" Halatang nagulat naman siya sa tanong ko. Sino bang hindi magugulat kung lalaki ang magtatanong noon?
"H-ha? Eh..."
"Uy, Coleen! Dapat umamin ka na!"- Moira
"Oo nga, girl! Ngayon na ang chance mo na magtapat!"- Kate
"A-ahm. S-si..."
"Si DJ! Haha! Yiee!" Sabay na sigaw nang dalawa.
Napatingin kami kay DJ na gulat na gulat sa narinig. Si Coleen naman parang nahihiya. Hindi iyan si DJ na Daniel Padilla, ah, Dixie John 'yan.