Ang init-init jusko! Sumasabay pa tong init sa pagod ko eh! Well, hindi lang naman ako. Pati na din tong bestfriend ko! Pano ba naman, nagpasama sakin at kelangan namin magpaprint ng mga ID para sa event namin bukas. Kung hindi lang dahil sa gusto ko umabsent, hindi ko to sasamahan eh.
Anyways, nakailang printing shops na kami na napupuntahan at laging epic fail! Jusko! Sa lahat naman ng araw na pwedeng masira ang mga printer, maubos ang mga ink, magkanda-letse letse ang computer ng mga shops eh ngayon pa! Nahahaggard na ang beauty ko at ang feslak ng bestfriend ko.
"Aaaah! Kainis!" Sabi ni bestfriend habang pinupunasan ang mukha nya na tagaktak na ng pawis. Pawisin talaga tong babaeng to since birth. Chos! "Bat naman kasi ganto? Kailangan na to bukas eh! Nakakainis talaga! Hindi ako makapagprint sa bahay kasi black lang ang nagana." Iritableng iritable nyang sabi.
"Kaya nga. Don din sa office ni mommy. Sira ang printer nila. Kaya hindi kita maisasama don." Ewan ko din ba. Ngayon lang kami binigo ng printer ni mommy. Napagod na din ata. Pudpod na. Gasgas na gasgas na. Napapagod din pala ang printer no? Well, wala akong paki. "May isa pang shop don oh. Try natin. Pag wala, ay bukas na ng umaga. Ako'y pagod na! Agahan nalang natin." Sabi ko at nauna na ako maglakad. Pumunta kami don sa shop at may isang lalaki at yung babae na naman ay pamilyar ako. "Hi tita!" Magiliw kong bati. Mommy sya nung friend ko. Nag-hi naman sya sakin. Then nagpaalam nadin agad. So nagmamadali sya?
Bumaling naman ang atensyon ko kay kuya. Shet oh la la! Napatitig ako sa mukha nya! Ghaaaaad! Shutanginames. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata, shet yung kulay nya hindi maputi at hindi din maitim. Letse! Nawala pagod ko ah. Okay ang OA na. Pero shet talaga. Nawala ako sa pagdedaydream ko ng bigla akong siniko nating bruhildang kasama ko. "Oy pangs! Bat ka natulala? Ikaw na magtanong at ako'y pagod na." Sabi nya sakin habang pinapaypay nya sa mukha nya yung panyo na. "Bat ako? Ah eh-" napatingin naman ako kay kuya na gwapo. Nakatingin na sya samin. I mean sakin at nakangiti. Grabe naman makangiti si kuya oh. Nakakatunaw naman oh. "Maam, ano po yon?" Hindi padin natatanggal ang ngiti sa mukha nya. "Ah eh uhm ano?" Tangina bat baga ako nagkakaganto?!! "Ah kuya. Magpaprint po sana kami ng ID, ganto po yung size" sabay pakita ng sample "magkano po kaya?" Grabe makatingin ang mata ni kuya. Feeling ko namumula nako dito. Kanina namumula ako sa init ng panahon ngayon naman dahil dito kay kuya sa printing shop. "Ay sorry maam. Sira po ang printer namin ngayon." Disappointed nyang sabi. Letsugas barabas hestas! Ano bang meron ngayon sa mga printer?! May welga ba kayo ngayon?! Punyemas! "Ah ganon po ba? Salamat kuya." At nginitian ko sya at dali dali akong umalis. "Oy pangs! Oy! Intayin mo naman ako!" Sigaw ni bestfriend at tumigil naman ako. Oo nga pala, may kasama nga pala ako. "Ay nandyan ka pala? Kanina ka pa dyan?" Sabay irap ko sa kanya. "Ay grabe sya oh." Sabay pout nya. Maka-pout to. Hilahin ko nguso nito eh. "Sorry na ha. Hiyang hiya naman ako sa di mo pagsasalita!" Sabay irap at naglakad nako. "Ay pangs naman oh. Hindi nako umimik at halatang nageenjoy ka sa pakikipag usap kay kuyang pogi." Nakangisi sya. Ay grabe! Halata ba? Punyemas! "Ang cute na nya no? Grabe! Yung mata! Yung kulay! Yung smile! Hays" naalala ko na naman ang peslak nya! Grabe talaga. "Oo pangs. Ang gwapo gwapo." At napatili kaming pareho.
Hanggang ngayon ay iniisip ko padin ang ang name ni kuya sa printing shop kahapon. Hay nako! Gusto ko malaman ang pangalan nya! Pano kaya?! Kung magpaprint kaya ako? Ehhhh sira nga pala printer nila! Kung magpagawa kaya ako ng t-shirt? Mug? Pillow? Jusko. Gagastos pako. Uhmmm. Ano kaya?
Ahhh teka. Bat kaya nandon yung mommy ni vi. Oo yung babae na nakita ko don na binati ko na tita? Hmmm. Maichat nga si vi.
Messenger
Vi💕 (updated ang messenger ko napapaltan na ang nickname)
Me: Vi! Pag nabasa mo to. Chat back ka agad!