"Ang gwapo talaga ni Micheal!" Lea
"Hindi gwapo! Sobrang gwapo!" Crissa
"Napakagwapo!" Dina
"Baka g@go!"
Kahit na hindi ako nakatingin, alam ko pinapatay na nila ako sa tingin ngayon. Tsk. Totoo naman, wala na silang ibang sinabi kundi "Ang gwapo ni Micheal", "Sana akin na lang siya". Tsk. Nakakarindi! Nakakairita! Parang mga desperada!!
(=______________=)
"Nakakainis tong si Bea! Hindi marunong tumingin ng gwapo at hindi! Hmp!" Dina
"Isang malaking check!" Lea
"TOMO!" Crissa
*sigh*
Sinarado ko ang aklat ko at umayos ng upo atsaka tumingin sakanila.
"Alam niyo walang deperensya ang mata ko sadyang hindi lang talaga ako pumapatol sa mga aso!" sabi ko sabay tayo. Sigurado naman akong hindi sila at babatikusin ako. Ilang beses ko narin sinabi yan sakanila pero hindi sila naniwala, sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa campus hearthrob.
"Tsk. Maniwala tanga!" sigaw nila nung palakad na akong palayo. Sabi na nga ba eh, hindi talaga sila maniniwala sakin. Naturingan na mga KAIBIGAN tapos hindi maniniwala sayo? Haist.
Binuksan ko na lamang muli ang libro ko at nagbasa, wala naman kasing pakilalam ang mga tao sa gusto kong gawin dahil ako ang 'Campus Snob'. Okay nga yun eh, para wala silang lakas na loob para lokohin ako, mataray at masungit naman kasi talaga ako, hindi ako nakikipagusap kung kani-kanino. I hate talking to strangers!!
Naglalakad ako sa hallway ng mapayapa ng biglang
"Argh!"
"Ah!"
Sabay naming sabi ng nakabunggo ko. Haist! Ano ba yan!! Ang laki laki ng hallway tapos, tapos..... Argh! Nung inanggat ko angulo ko dahil nga sa sobrang lakas ng bungo napaupo pa ako. Inanggat ko ang ulo ko at nakita ang isang kamay, kamay na handang tumulong sakin. Tatanggapin ko na SANA ito pero nakita ko kung sino ang may ari kaya imbis na hawakan ko tinapik ko na lamang ito at tumayo mag-isa. Ayoko!! Ayokong magpatulong sa isang tulad mo!! Ayoko!!
Naglakad na ako palayo, palayo sayo na parang walang nangyari kasi nga AYOKO SAYO!!! Binilisan ko, mabilis para makaalis na dito pero
"Sanadali lang" nabigla ako nang hawakan mo ako sa braso kaya inalis ko agad ito at nagsimula na namang maglakad, ewan ko pero bigla akong napatigil sa paghinga nun, inisip ko na lang na AYOKO nga kasi sayo kaya ganun. Nung paliko na ako
"ISA KA TALAGANG SNOB, MISS BEATRICE YOONE!!"
Nung nakarating ako sa banyo, pumasok ako sa isang cubicle at hinawakan ang dibdib ko. 'Nakakainis ka!! Naiinis ako sayo!! Mr. Micheal Johnson'. Tama, siya nga ang nakabunggo ko. Siguro, nagtataka kayo kung bakit ako galit sakanya.... isa lang ang dahilan... dahil sakanya umiyak ang pinsan ko... pinaglaruan lang daw siya at pinagpustahan.... dahil akala ng kwagong yan, ay napakagwapo niya at lahat kaya niyang paglaruan sa kamay niya, pwes, nagkakamali siya.. dahil ako, ako si Beatrice Yoone ay hinding hindi niya mapapaibig at mapapaglaruan!!!
BINABASA MO ANG
Untold feelings
Teen Fiction❝Nanatili akong tahimik habang nandito ka, ngayon na wala ka na saka ko pinagsisigawan na mahal kita.❞ -Beatrice Yoone OS || ThatGirlIsWanted || Copyright 2013