Part II:

2 0 0
                                    

Kinabukasan:

Nag-open ako ng facebook ko kasi titingnan ko yung mga post ni Cindy na 'Thank you post' niya.

Pagkaopen na pagkaopen ko ng facebook may 1 notif. Ako inopen ko at yun na nga yung post ni Cindy at nakamention ako pati na ang lahat ng mga pumunta nung gabing yun.

Nakita ko yung name nung tumawag saking baby, ang buong pangalan niya pala ay Edward Berlin nacurious ako at inopen ko profile niya at inadd ko siya . Oo ako ang nag add sa kanya. Wala akong ibang intensyon kundi makipagfriends at wala na yun lang. Wala naman akong gusto sa kanya.

At di nagtagal inaccept naman niya agad agad yung request ko. Tapos biglang may 1new message pag-open ko ai Edward pala yung nagmessage.

'Hi friend ka ni Cindy right?'

'Yes!Why?'

'Nothing.'

'Ah ok' (ewan ko kung bakit chinachat ko siya)

Lumagpas ang isang oras at nagchat ulit siya...

'Kumain kana ba?' tanong niya sa akin

'Oo. Ikaw ba?'

'Tapos nadin'

At nagchat kami ng tuloy tuloy hanggang sa tumagal ng mga 3 araw ang pagchachat namin lagi andami niyang mga binitawang matatamis na salita at ayun ang kahinaan ko bilang isang babae. Nadadala na ata ako sa mga pambobola niya...

1new message

'Pwede ba ko manligaw sayo?'

'Ah eh'

'Anong ah eh? Tinatanung kita kung pwede na ba akong manligaw sa iyo?'

Natulala ako nun kahit hindi ko naman aiya kaharap parang nakaramdam ako ng spark...

'Oo na sge!'

'Yes! Kelan mo kaya ako sasagutin?'

'Sasagutin agad? Nanliligaw ka palang diba?'

'Joke lang naman'

Ayun pumayag nadin ako na magpaligaw sa kanya ...

At jan nag-umpisa ang pagcourt niya sa akin.

Short Story I: CourtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon