A Walk in the Rain [5]

5.5K 110 11
                                    

Chapter 5: Our First Day

Rafael's P.O.V. (Rafael na lang ha. Ayaw n'ya magpatawag ng Marcus eh. Arteee.)

Shemay naman oh. Bumagsak 'yung kasama ko. Nahimatay pa.

Anong gagawin ko dito!? Agh. Natataranta ako. Binuhat ko s'ya. All eyes on us. Mga pakialamera at pakialamero.

"Look oh. Rafael's with that girl again. Buhat pa n'ya," Mga chismosa nga naman, nagkalat e. 

"Oh. Y'an yung girl na nag-transfer sa III-A 'di ba?! She's lucky," Tutunawin na nila kami. 

"Huwaw. Picturan natin!" Paparazzi. =.="

Dinala ko sa clinic si Alyanna. Pfft. Ang init n'ya. Kaya pala gan'un s'ya. Di nag-iingay. -.-

"Nurse, sobrang taas po ng lagnat n'ya," sabi ko dun sa nurse. Tumango lang s'ya at nilagay sa stretcher si Yanna. 

"Ah, pwede bang..."

==========================================

Alyanna's P.O.V.

Ha? Teka? Nasa'n ako? Agh.

By the looks of this place. Clinic 'to.

Ano bang nangyari? Pft. Di ko maalala. Ah. Oo. Recess nu'n. Nahimatay ako, kamalas-malasan naman oh. 'Di ako naka-attend ng klase. Anong oras na ba? Oh. 3 pm na. One hour na lang maglalabasan na ang mga estudyante. Makaalis na nga dit--

"Marcu-- este Master?" Ba't andito 'to? Si Master. Nakaupo sa sofa. Tulog. Sheez. Don't tell me binantayan n'ya ako? Nako, Alyanna! Nangangarap ka na naman. Asa namang bantayan ako n'yan 'di ba?! Eh... ba't s'ya andito?

Tumayo ako para lapitan s'ya. Ba't gan'on? Parang iba s'ya 'pag tulog? Ba't gan'on?!

Ang daya naman oh. Ba't ang gwapo n'ya? Wait... did I just say he's gwapo? Tsk.

Pero, gwapo naman talaga. Mahaba 'yung pilik-mata. Angt ganda ng kutis. Wah. Ang kinis n'ya. Ang tangos ng ilong. Yung lips, perfectly formed tapos yung bu-- WAAAHH! Ano ba 'tong sinasabi ko. >//////< Baka ako 'yung matunaw kakatitig sa kanya. Hehehe. Nakaka-insecure s'ya eh. Kung naging babae 'to, talo n'ya ang beauty ko! Huwaw.

'Yan na! Gigising na s'ya! Binuksan n'ya yung mga mata n'ya.

"Master!" bati ko sa kanya. Ngumiti s'ya. Isa na namang malapad na ngiti. KDOT. Nagagwapuhan na nga ako sa kanya. Dapat pa ipamukha sa'king gwapo s'ya?! Eeeee. Ang labo ko. Samantalang dati sabi ko pangit s'ya. Hehe. 

"Yeah. Ang bigat mo," Nang-insulto ba?! 

"Sino ba may sabing buhatin mo 'ko?!" tanong ko. 

"Hep. Master mo 'ko," Oo na. Ako na ang slave! 

"Ok."

A Walk in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon