"Pat!!" Pagpasok ko ng ospital nakita ko agad ang mukha ni Pat.
"A-axel huk*huk*" yumakap ako sa kanya.
"Sssshhhh. Wag ka ng umiyak. Dito lang ako." Hinigpitan ko ang yakap ko.
"A-axel please wag mo kong iwan. Huk*huk* mahal na mahal kita." Di ko alam ang itutugon ko. Napatunayan ko kase na si Alexa na ang mahal ko. Pero ayokong iwan si Patricia ng ganito.
"Bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka pala? Ang unfair mo naman!" Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Puro lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya.
"S-sinabi na pala nya sayo?" Nagtaka ako kung paano nalaman ni Alexa. Lumayo ako sa kanya.
"Bakit sya pa unang nakaalam? Bakit di mo sakin unang sinabi?" Napataas na ang boses ko.
"Huk*huk* p-please wag mo kong s-sigawan." Niyakap ko ulit sya.
"Sorry." Hinalikan ko ang noo nya.
"D-di ko naman sinabi sa kanya e." Nangunot ang noo ko.
"Pano nya nalaman?"
"Kase pinabantayan nya ko..." ngumiti sya at humarap sakin.
"Pinabantayan? Bakit?" Wala na talaga ako maintindihan.
"Si Alexa ay bestfriend ko noon. Ako yung una nyang minahal kesa sayo." Di ko talaga maintindihan kung anong nangyayare.
"Pwede pakiexplain?"
FLASHBACK
"Ali may nakita akong gwapo doon sa ice cream parlor." Busy sya sa pagkuha ng litrato sa paligid namin.
*click*
"Ayyyy ! Ano ba Ali?"
"Hahaha epic fail ang mukha mo Pati !!" Tinawanan nya lang ako.
"Ali naman e. *pout* ang bad bad mo! Dami ko ng stolen shots sayo! Kung mahilig ako sa ganan kanina pa kita kinuhaan pati yung gwapong lalaki sa Ice cream parlor."
"Yaaaaakkkk Bessssiii !!! Bata ka pa para mainlove!" Ali.
"Di mo kase nakita. Siguro kapag nakita mo yun maiinlove ka din"
" Ewan sayo ! *click* hahahahaha."
"BEEEESSSSSSSIIII!!" naghabulan na kami ng naghabulan.
----------------------------------
Ilang araw ko ng di nakikita noon si Alexa ( Ali for short ).
Isang araw pumunta ako sa bahay nila. Nakita ko syang may kasamang lalaki pero nakatalikod yung lalaki.
"Pati !!" Tinawag ako ni Ali kaya napaharap sakin yung lalaki. Nagulat ako kase yung lalaking kasama nya yun yung lalaking crush ko na nakita ko sa Ice cream parlor.
"B-bakit sya nandito?" Nauutal kong sabi.
"Ahh Pati kase sabi ni Mommy sa kanya daw ako magpapakasal paglaki namin. Pati bakit ka umiiyak?"
Tumulo na ng tuluyan ang luha ko sa sinabi nya.
"Andaya mo naman Ali !! Pinagpalit mo na ko dyan Huk*huk* "
"Pati di naman kita pinagpapalit e. Ikaw pa rin ang mahal kong bestfriend "
"Ahh sige alis na ko bes."
Umalis na ko nun sa kanila. Sakto namang paalis sina Mommy papuntang U.S. kaya sumama ako sa kanila.
Ilang taon akong nagstay doon. Yung araw na nalaman kong pinababantayan ako ni Ali yun yung araw na muntikan akong masaksak nung lalaki pero agad binaril sa ulo nung babaeng nakamaskara. Pagtingin ko sa mata nya parang nakita ko na dati kaso di ko na matandaan. Kulay Green sya. Lumapit sya sakin at ...
"Mag-iingat ka minsan marami pa naman loko loko dito." Nagtaka ako nung nagtagalog sya.
"Pilipino ka?"
"Ou at pinababantayan ka sakin ni Alexa."
"Si Ali? Bakit?" Nakaramdam ako ng lungkot noon kase gustong gusto ko na kaseng makita si Ali pero di pa ko handang masaktan dahil alam ko sila ang magkakatuluyan ng Crush ko. Umuwe ako ng Pilipinas at nakita kong magkasama ang Crush ko at si Ali. Mula noong makita ko sila araw araw ko na silang nakikita at nalaman ko na nawala pala ang ala-ala ng crush ko. Nabalitaan ko yun kina Cathy kase nga gustong gusto nila noon yung crush ko
Nakilala ko lang sya noong pinakilala sya sakin nina Cathy, Jiji at Alyssa. Nang lubos na kaming magkakilala ni Axel niligawan ako ni Axel. Five months na kami.
Isang araw, nalaman ko na lang na may Cancer ako at Stage 3 na. Kaya pala ako nakakaramdam ng sakit kase may cancer na pala ako. Araw ng pagpapacheck up ko noong tinutukan ako ng baril nung Princess. Nagtaka ako kase bakit ako papatayin ng taong nagbantay saakin noon.? Siguro dahil inagaw ko ang mahal ng kaibigan nya na kaibigan ko din. Si Princess pala ang nagbantay saakin noon.
Ang swerte ni Ali kase may kaibigan syang nagtatanggol sa kanya.
Hindi ko kayang mawala sakin si Axel kaya di ako papayag na makuha nya si Axel. Mamamatay muna ako bago mangyari yun.
-----------------------------------
"Di ko alam ang sasabihin ko." Nakita kong napaluha sya.
"Axel please wag mo kong iwan ! Sana bago ako mawala makasama pa kita." Niyakap nya ko ng mahigpit.
*Riiiiiiiinnnnggggg riiiinngg riiiinngg*
"Hellow sino to?"
(" Go to my Mansion Now!!!!")
"Hindi ako pwede binabantayan ko pa si Patricia!"
("Are you going here? Or I will kill that fucking girl!")
"Wag. Fine!! Pupunta na."
*toottt tooootttt*
"Sino yun? Si Alexa ba?" Nakita kong lumungkot ang mga mata ni Pat.
"Hindi si Princess yun. Kailangan ko munang umalis baka madamay ka pa kapag di ko kaagad sya napuntahan."
"O-okay balikan mo ko ha?"
"Yes baby. *muahh*" kiss sa noo.
-------------------------------------
" Naipasa ko na kay Spencer ang mga pangalan ng kakalabanin nyo. Bukas magsisimula ang laro. We have a deal right?? Tutuparin ko yun."
"Sorry Im late! *hingal*"-Axel.
"Tsk. Late ka na talaga. Bakit ka pa humabol!" -Jake.
"Huy buhay ka pa pala? Pati ang Gang mo? Kala ko patay na kayo ahh. Di ka pa natuluyan?" -Axel.
"Gago ka pala e. Ano panuntukan na lang ohh!!" -Jake.
"Magtigil na nga kayo!!! Hanggang ngayon ba naman nagtatalo pa rin kayo!"
Dahil kase sakin kung bakit nagtatalo ang dalawa. May gusto kase sa akin si Jake at ito namang si Axel gusto din daw nya ko as Princess. Gusto daw nilang maging Prince ko ang isa sa kanila.
"Ee kase itong gagong ito e. My girlfriend na lalandiin ka pa."- Jake.
"Kahit landiin ko sya hindi naman na kayo ahh. Wag ka ngang feeling di yan. Sapakin kita e."- Axel.
"Titigil kayong dalawa o papatayin ko kayo parehas!! Mamili kayo!" Cold pa rin ang pagkakasabi ko.
"Okay okay titigil na." - jake and Axel.
"Magsialisan na kayo akoy naaalibadbadan sa inyo. Mga leader pa man din kayo! LAYAS NA!!"