Sulat ni tatay.

2.1K 32 13
                                    

Nakakainis talaga! Lagi nalang ako nakikita. Konting galaw laging pinapakaelaman! nakakainis! Minsan nga, naisip ko na magpakamatay nalang. Dahil sakal na sakal na ako! Nakaka-leche! Lakas maka-Bad Vibes.

"Alalis lang ako, prapractice lang kami." Sabi ko sakaniya at pumunta sa harap niya. Sana naman ngayon ay payagan niya ako. Pag hindi, nako talaga.

"Hindi puwede!" Kainis naman talaga tong tatay ko! Kailangan kong makadalo sa practice na iyon! Ano ang ihaharap ko sa ka-members ko kung hindi ako makakadalo uli? Hindi na nga ako nakarating noong una dahil sa hindi niya pagpayag ngayon ba naman uli? Ano bang klaseng buhay to?

"Magprapracttice lang kami! ano bang masama 'don?" Bulyaw ko sakaniya. Kalma pa ako niyan. Inayos ko ang pagsukbit ng shoulder bag ko at humalukipkip.

"pag sabi kong hindi pwede, hindi puwede! wag kang makulit!!!" At tinalikuran ako. What the--. Ibang klase talaga 'tong tatay ko. *@&#%&

Ano na  itong gagawin ko?! Mapapa-alis na ako sa sayaw. Punyeta talaga!

"Wala kang kwentang tatay! sana mamatay ka na!!" Oo na, Masama na kung masama. Hindi niyo ako masisisi dahil hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko.

umakyat ako padabog sa taas. Bwisetttt!

Ako nga pala si Clara Jose labingwalong taong gulang. May tatay akong UBOD ng KJ at sobrang pakialamero. wala na akong nanay, dedlaks na. Kaya heto ako nasa piling ako ng akin bwisit na ama na walang ginawa kundi bawal dito bawal doon. Saan patungo buhay ko aber?

Kinagabihan ay siguro tulog na ang lahat. Matagal ko ng pinagisipan ito. Ang lumayas. Tae, Sakal na sakal na ako. Nakakabwisit dahil pinapakaelaman ang bawat kilos ko Kaya ko naman sarili ko!! Pumunta ako sa gawi ng aparador ko. Nahagip ng mata ko ang isang travel bag na pamana pa ng nanay ko. Nag simula na akong mag-impake ko na ng mga gamit ko.

Ayoko na rito sa bahay na ito. Bukod na sa kasama ko pa ang aking Ama, wala pang makapag-aabalahan. Swerte pa nga sana ako eh. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, Maayosna pamumuhay, Kaso nga lang, Hindi ako masaya.

Mga ilang araw na din akong hindi bumalik saamin, Masasasabi kong okay na ang pamumuhay ko kumpara noon. Walang istorbo. Walang pakialamero. Walang nagbabawal. I feel so free.

Naglilinis ako ng bahay ng may biglang kumatok at pagbukas ko ay yung pinsan ko ang bumungad. Siya lang ang tanging nakakaalam kung saan ako nakatira.

"Clara, Yung papa mo!" oh, Ba't parang natatae to? oa masiyado ah?

"oh baket? Ayare sakanya? papauwiin ako? sesermonan ako? ayoko na umuwi dun! Teka.. Pasok ka muna. Tae ka muna. Mukhang kanina mo pa tinitiis iyan, ah?" Sabi ko sakaniya. Hindi niya pinansin ang pagbibiro ko sakaniya. Napakunot noo ako. Anong problema nito babaeng ito?

"ah-hh hindi, Clara please , pumunta ka sainyo!" Pagkukumahog niya saakin. Base sa itsura niya ay kakaiyak niya lang. Teka ano ba meron?!

"Ano ba?! At bakit?" Hayy nako! Paraan niya ba ito para mapauwi ako? Di bale na nga, Pagbigyan naten

Hindi ko alam kung bakit. basta bumilis yung tibok ng puso ko 

Pagkalipas ng ilang minuto , natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng bahay namin, may nag totong its, basta! ang liwanag liwanag ng bahay namin, biglang nag slowmo ang paglalakad ko ng papalapit ako sa tatay kong nakahiga sa kabaong di ko mapigilang umiyak 

"Tay, Tay.. Tay!!!"

"patawarin mo po ako , sa pagsasagot ko sayo, tay mahal na mahal po kita tay patawad po sa lahat." Wala akong kwentang anak. Wala akong kwenta. Wala! feeling ko ay unti unti akong pinapatay narin.

"Clara..." may tumawag sa likod ko

"Ate!" bigla bigla ko syang niyakap .. si cassandra pinsan ko.

"Ate hindi ko mapapatawad sarili ko,  sana mapatawad ako ni tatay sa lahat , mahal na mahal ko sya ate!!"

"ssshhh tama na,"

"ate ano nangyari sakanya?" pahikbi hikbi ako habang sinasabi ko sakanya.

"namatay ang tatay mo sa sakit ng puso, inatake sya nun simula ng umalis ka, papunta ako sa bahay nyo nang makita ko si tito na nakahandusay at may hawak sya sulat.. ito oh"

inabot sakin ni ate ang naksulat.

"Dear anak,

sana anak patawarin mo ako. sa pag babawal ko sayo, at sa pag aaway natin. kaya ko lang naman yun ginagawa para sayo, sa ikabubuti mo gusto kong ibigay sayo ang pagkukulang ko bilang iyong ama, gusto kong tumbasan ang pagmamahal ng iyong inay, at plano ko sana sa iyong kaawarawan na isurpresa ka. pupunta tayo sa gusto mong lugar pagpapasensyahan mo kung di ko nabibigay gusto mo, ah. kinakaya naman ni itay kung ano man ang gusto mo anak tandaan mo mahal na mahal ka ni itay.

-itay.

~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat ni tatay. [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon