Ang isang tao,matalino man o hindi ,ay may kapasidad na alalahanin ang kahapon.Mga ala-ala na Hindi natin sinsadyang makalimutan ngunit,dahil sa pagiging abala natin sa trabaho,sa pamilya, kaibigan,problema ay unti-unti at DI namamalayang may nakalimutan na pala tayo.
Patuloy na umiikot ang mundo at patuloy rin na tumatakbo ang oras.Sa modernong panahon,kung saan lahat ay abala,at parang wala nang oras para sa sarili nila,ma-aalala pa kaya natin ang pangyayari ng kahapon.Maliit man ito at parang walang halaga , alam natin na ito ang maging daan upang maging kung sino tayo sa kasaluluyan.
Tunghayan ang kwentong ito.Kwento ng taong lubos na nagmamahalan na susubukan ang tatag ng panahon.Kwento ng kahapon na may halaga sa ngayon.