Handa ka bang mahalin ang isang tao na kahit kelan ay di ka maaalala?
——————————————————————————
Hinaplos ko ang buhok niya at nginitian siya.
“Bukas na ang alis mo, excited ka ba?” Tanong ko.
Binigyan niya akong isang tipid na ngiti. “Slight.”
“Slight? Bakit slight lang? Di ka ba excited gumaling?”
Uupo na sana siya pero pinigilan ko siya. “Humiga ka lang. Mas gusto ko pag ganito posisyon natin.” Sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya. Naka-upo kasi ako sa dulo ng kama niya habang siya naman naka-higa pero nasa lap ko yung ulo niya. Gets niyo ba? Basta yun na yon.
“Okay. Eh di hihiga. Sus.” Humiga siya ulit at tumingin lang sa ceiling. “Tristan, ilang beses ko ba sasabihin sayo na walang gamot ‘tong sakit ko?”
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya, pero di ko pinakita kasi kelangan ko maging masaya para sa kanya. “Hays. Oo na. Iibahin ko na lang tanong ko, ‘keh?”
Sumimangot siya. “Wag na! Ayoko ‘tong topic natin. Change topic please.”
“Pffsh. Okay po, Ma’am. Eh ano ba gusto mong pag-usapan?”
Nag-isip muna siya sandali. “Kwentuhan mo na lang ulit ako!” Sabi niya ng naka-ngiti.
“Ulit? Tapos na kita kwenentuhan kaninang umaga ah.” Sagot ko.
Sumimangot siya. “Kaya nga ulit di ba? Please?” Pagmamaka-awa niya.
“Tss. Fine. Basta pag nagkwento na ako, makinig ka lang ha? Wag kang sasabat.”
Ngumiti siya at tumango. “Yes, Sir! Oh game na! Kwento na.”
Nginitian ko rin siya at nagsimula nang magkwento…
-----------------------------------------------------------------------
Naglalakad ako sa food court nun, naghahanap ng bakanteng table na pwedeng maupuan. Badtrip na badtrip ako nun! Tsk. Eh pano ba naman kasi, ako yung pinag-initan nung Prof namin. Gago naman kasi ni Kyle eh, ako pa sinisi. Kabanas.
*PSSSHHHHH*
Napa-tigil ako sa paghahanap ng table at napako dun sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng matinding lamig mula sa ulo hanggang bewang ko.
SINONG NAGBUHOS NG TUBIG SA AKIN?!
May narinig akong tawa sa likod ko kaya tinignan ko agad kung sino yun. At ikaw ang nakita ko.
“IKAW BA YUNG NAGBUHOS NG TUBIG SA AKIN?!” Pasigaw na tanong ko sayo. Napa-tingin yung ibang tao sa atin dahil sa sigaw ko.
Mas lumakas yung tawa mo. Tinaas mo yung bote ng tubig na walang laman at tumango. “Duh? Hahaha. Malamang ako.” Natatawang sagot mo.
Kumunot yung noo ko sa sagot mo. “At talagang tuwang-tuwa ka pa sa ginawa mo.”
“Yuuh. Proud pa nga eh. Hahaha. Pfft. Naks naman koya! Wet look. Posing ka nga para matignan ko kung may potential ka ba para maging model. TAHAHAHA!” Tawang-tawa na sabi mo. Pati yung ibang tao sa food court natatawa na rin. Siguro kung ako sila, tatawa rin ako. Pero hindi eh, di nakakatawa pag ikaw yung nasa pwesto ko.
YOU ARE READING
Naaalala ♥
RomanceHanda ka bang mahalin ang isang tao na kahit kelan ay di ka maaalala? ---------------------------------------------- Inspired by: 50 First Dates ♥ *Short story; 3 chapters only*