2.

2.2K 78 8
                                    

“TOL!” Inakbayan ko si Kyle at nginitian ng malaki. “May tatanungin lang sana ako.”

Tinanggal niya yung pagkaka-akbay ko at tinignan ako. “Saya mo ata?”

“Wala lang. Di ba pwede maging masaya?” Balik na tanong ko.

“Di naman. Nakakapagtaka lang. Oh, ano ba yung tatanungin mo?”

Ngumiti muna ako at umupo dun sa upuan ko. “Sa tingin mo, anong mas maganda – Gugulatin ko siya? O Um-acting ako na kunware nadapa ako para tulungan niya ako?” Tanong ko.

Kumunot yung noo ni Kyle. “Teka teka. Sino ba pinaguusapan natin dito?”

Ginulo ko buhok niya at nginitian siya. “Wag mo nang alamin! Pumili ka na lang dun sa dalawa.”

Tinignan niya ako sa mata tapos umiling-iling siya. “Tol, kung si Trixie ang pinaguusapan natin, bahala ka na sa buhay mo. Yung mismong aksidente nga niya di niya matandaan. Ikaw pa kaya?” Tumayo na siya at nilagay yung mga kamay niya sa bulsa niya. “Kakain muna ako. Sama ka?” Umiling lang ako kaya lumabas na siya.

Natahimik ako, umiikot sa isip ko yung mga sinabi ni Kyle.

“Yung mismong aksidente nga niya di niya matandaan. Ikaw pa kaya?”

“Kasi may sakit si Trixie; Meron siyang short-term memory loss.”

“Pag na-attach ka na sa kanya at tinanong ka niya ulit kung ano pangalan mo, masaya pa rin ba?”

“Kahit kelan tol, di ka niya maaalala.”

“Di ka niya maaalala.

“Di ka niya maaalala.”

“Di ka niya maaalala.

Ginulo ko buhok ko at tumayo na. Psh. Bahala na nga si Kyle! Walang basagan ng trip. Basta ako, kakausapin ko pa rin si Trixie.

Lumabas na ako ng room para hanapin ka. Nung nakita kita sa may field tumakbo kaagad ako papunta sayo.

“Aray!” Sigaw ko. Um-acting kasi ako na kunware nadapa ako.

Napa-tingin ka sa akin at biglang nanlaki ang mga mata mo. Nilapitan mo ako tapos nilagay mo yung kamay mo sa likod ko. “Ayos ka lang ba?” Tanong mo. Halata sa mukha mo yung pag-aalala.

Yes! Umaayon sa plano lahat ng gusto ko.

Um-acting ako na kunware nasaktan ako. “A-aray. A-ang sakit ng tuhod ko. Ang lakas nung pagkakabagsak ko. Aray!” Pinigilan ko ang tawa ko nung kasi ang bading ko lang tignan. Pero para lang maka-usap ka, handa akong gawin ang lahat.

“As in? Hala. Ano… Ah… Kaya mo bang lumakad? O tumayo man lang? Dadalhin na lang kita sa clinic. Kawawa ka naman.” Tumingin ako sa mukha mo at kita ko ang pag-alala mo. Medyo nakonsensya na nga ako nun eh pero yae na nga! Kaya ko lang naman ‘to ginagawa kasi gusto ko na mapansin mo ako.

Inalis ko ang tingin sa mukha mo at um-acting ulit. “Hi-hindi. Hindi ko kaya. Ang sakit kasi eh.”

“Kaya ko pang tumayo pero di ko pa ata kaya maglakad. Ang sakit kasi eh.” Pag-iinarte ko.

“Ganun ba? Sige, umupo na lang tayo dun sa bleachers. Teka.” Kinuha mo yung kamay ko at nilagay yun sa likod ng leeg mo. Yung parang pinaakbay mo ako sayo. Gulo ba? Basta yun. “Dahan-dahan ha.” Nilagay mo yung isa mo pang kamay sa bewang ko para alalayan ako. “Yan. Sige, tayo. Dahan-dahan lang. Di tayo nagmamadali.” Inalalayan mo ako tumayo. Umarte-arte ako na kunware nasasakitan ako kahit hindi naman.

Naaalala ♥Where stories live. Discover now