Part I: Beginning

4 0 0
                                    

           First day of college sa bagong paaralan. Walang bago. Walang nakaka excite na pangyayari. Simpleng araw lang para sa isang simpleng tao tulad ko. Ako nga pala si Samantha Dee, 18. At ngayong araw ang unang pasok ko sa paaralan ng St. Fatima University.
           Nandito na ako sa hallway at naglalakad para makapasok na sa aking magiging silid. Scholar ako sa paaralan na ito kaya maaga akong pumasok dahil ayoko naman na first day, malate pa ako. Transferee ako at hindi ko alam kung bakit napilit ako ng nanay ko na dto na lang magtapos ng pag-aaral.
        Sabi nila loner daw ako. Pero para sa akin hindi naman. My mga kaibigan naman ako. Di ko lang talaga trip makisama sa kanila madalas. Ayoko ko ng atensyon ng iba. Dahil lumaki ako na kami lang ng nanay at kapatid kong lalake ang magkasama sa buhay. Yung tatay ko, ewan ko kung nasaan. Sabi lang ni ina iniwan kami dahil ayaw ng magulang ni ama sa kanya. Hindi ko na masyadong inalam dahil wala din naman akong magagawa.
    At ngayon nga andito na ako sa tapat ng silid. Ang dami na din akong nakikitang nasa loob. May kanya kanya silang grupo. Magkakakilala na siguro dahil kung titingnan mo ang sasarap ng kwentuhan nila. Pumasok na lang ako matapos kong magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.
    "Bago ka dito noh?? Ngayon lang kita nakita dito eh."tanong ng isang babae sa akin. Di ba halata. Aii naku minsan talaga kelangan pang mag bigay paliwanag sa isang bagay na halata naman na nag sagot.
  " ah oo. Bagong scholar pala. Sam pala." Sagot ko naman ng maayos.
   Di na siya nakapagtanong dahil dumating na prof namin. Pinakilala lang ako at ayon umpisa na ng klase. Natapos ang klase ko ng maayos. May mga nagtanong kung bakit ako nandito sa school nila pero pinili ko na lang wag umimik. Wala akong panahon na mag bigay explanasyon sa bawat isa sa aking mga kamag aral.
   Pupunta na lang muna ako sa library para mag aral dahil lunch break naman na at wala akong balak kumain.
   Payapa na sana akong nag aaral ng may istorbong kumalabit sa akin.
  "Miss, pwede ko bang mahiram yang isang libro na kinuha mo. Kelangan ko kasi eh?"tanong sa akin ng lalake.
  "Miss,miss . Ano pwede ba pacensia na nakuha mo kasi una yung libro, eh kelangan ko na ngayon." Sabi nia.
  " ok." Maikli kong tugon at iwas tingin sa kanya.
  "Salamat" tanging narinig ko at nagtuloy ulit sa pag aaral.

    Pumasok na ulit ako at nakinig sa mga lesson. Hanggang sumapit ang oras ng uwian. Unang araw, ayos na din. Sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon