A one shot love story
"Ahm.. JB pwede bang bumili ka ng tickets ko?" tanong ko ng nakangiti sabay pakita ng tickets kahit na parang sasabog na ang puso ko sa kaba.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng masama.
"Matapos mo ako break-an para sa pesteng pageant na yan... tingin mo manonood ako?" kumirot ang puso ko ng makita ko ang hinanakit sa mata niya. Napalunok ako at hinawakan ko ang braso niya ng akmang tatalikuran nya ako. Kapalan na ito ng mukha.
"Please, Jb... nahihiya kasi ako magbenta sa iba-"
"-at sa'akin hindi?" singhal niya sa akin
Binitiwan ko na ang braso niya at pilit na ngumiti kahit pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa pagtanggi nya.
Kasalanan ko to!
Kasalanan ko to!
Kasalanan ko to!
Kasalanan ko to!
Inuulit ulit ko yan sa isip ko para hindi ako magdamdam sa malamig niyang turan sa'akin.
We are a perfect couple.
Ay mali!
We used to be a perfect couple.
Hanggang sa dumating ang Golden Jubilee ng Unibersidad na pinapasukan namin.
Pareho kaming fourth year college na. Ako sa kursong BS Accountancy at siya naman Business Administration. Parehong scholar at running for Cum Laude. Pero magka-iba kami ng estado sa buhay. Mayaman siya ako hindi.
Kasama sa celebration ang paghalal ng bagong King and Queen sumali ako not for popularity's sake kundi para maipadala ko sa probinsya namin ang cash prize na 50,000 pesos. Para hindi maremata ng bangko ang sakahan ng Itay ko.
Ayaw niya akong sumali kaya In a moment of haste I broke up with him.
I Regret it a lot. Pero nasabi ko na. Nagawa ko na. Wala na akong magagawa.
"Ah..ok thanks nalang." sabi ko sabay talikod para hindi niya makita ang pagpatak ng luha ko.
"Tsss.." narinig ko mula sakanya bago niya hinawakan ang braso ko at hinarap sakanya. Matagal niya akong tinitigan kaya napayuko nalang ako sa hiya
"Ilan ba ang natira?"
tanong niya ng nakasimangot.
"wag nalang-" kinuha niya yong tickets na hawak ko kanina sabay labas ng wallet nya.
"I-ilan ba ang bibilhin mo?" tanong ko. I swear! Pulang pula na ang mukha ko.
"Ti-tig 50 pesos ang isang ticket". Sabi ko
"100 pcs to lahat diba?" tanong niya habang kumukuha sa wallet nya ng pera.
"O-oo wait,don't tell me papakya-" hindi na niya ako pinatapos. Inabot nalang niya ang 5000 pesos saakin sabay alis.
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan siyang naglalakad palayo. Nakapamulsa yong isa nyang kamay,at yong isay nakahawak sa bag nya. Ang gwapo talaga niya kahit nakatalikod.
Napangiti ako ng malapad. May pag-asa pa siguro.
Baka sakaling ako parin..
..ang mahal niya.
"JB!" sigaw ko .
Tumigil siya maglakad pero di lumilingon kaya tumakbo ako palapit sakanya at tumigil mismo sa harap niya.
Hindi na ako nag-isip niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Panoorin mo ako sa contest ha? Hihintayin kita." bulong ko sa tenga niya. Napangisi ako ng maramdaman ko ang bilis ng kabog ng dibdib niya. At ang pagbilis ng paghinga niya. Nakatingin siya sa mga labi ko kaya hinalikan ko na rin siya sa labi. SMACK lang hindi torrid. Sabay takbo palayo.