Nakatitig ako muli sa isang blankong papel. May hawak na bolpen sa aking kanang kamay, naghihintay ng mga ideya na maaaring pumasok sa aking isipan sa kahit anong pagkakataon. Mga salitang naririnig mula sa pagbubukambibig ng guro na nasa harapan ng klase. "Eto nanaman, isang oras ng pagsasatsat ng guro." ang napuno sa isipan ko.
"Kung mapag-isipan na lang kung tungkol saan ang isusulat ko..."
Pagkalipas ng ilang minuto'y mabilisang pumapasok na ang mga ideya sa aking isipan.
Mga guni guning naglalaro sa imahinasyon ko ang umibabaw. Bigla-bigla, tila bang hindi ko maihinto ang aking kamay sa pagsusulat ng mga ideyang nagsusulputan mula sa wala.
Ito ang kinahihiligan ko. Ang palaruin ang aking imahinasyon at magsulat ng magsulat na parang walang bukas. Ngunit, habang naghihintay hanggang matapos ang isang oras, narito rin ako ngayon upang ikwento sa inyong lahat ang aking buhay pag-ibig. Oo, oo, alam ko na marami na kayong nabasang akda na ukol sa pag-ibig at alam ko rin na akala niyo kung ano naman ang bigla kong naisip na bigla bigla na lang bibilis ang aking pagsusulat. Hah, subalit medyo kakaiba ang akin sapagkat nagsimula yung akin mula sa sinasabing "roleplaying".
Oo, hindi siya karaniwan ngunit sa tingin ko nama'y maaakit kayo sa aming kwento. :)

BINABASA MO ANG
Nagkakilala Kami Online
RomanceKwento ni Laurette Astillo at kung paano niya nakilala sila Jaeden Zarate, Eloisa Orante, Branden Rosales, Kendall Verano, Ray Cereza, at Irvin Valdez. Heto ang isinalaysay niyang kwento ukol sa kaniyang naranasan sa isang roleplaying site kung saa...