Itinaas ko ang aking kanan at kaliwang kamay habang iwinawagayway. Umikot ako ng isang beses at agad na nag-pose nang may tumunog bilang hudyat na tapos na ang game. Pinagpawisan ako ng husto sa larong ito.
"Konting konti nalang talaga Lia at matatalo mo na siya sa Just Dance."
Napatingin ako kay Dustin na nakangisi. Agad kong ibinaba ang baso at saka tinaasan siya ng kilay.
"Sino?" Nagtataka kong tanong.
Iilang kanta na rin ang natapos kong sayawin sa Just Dance at ngayon ay kinakapos na ako sa paghinga.
"Yung aso namin."
Napaawang ang bibig ko sa sagot niya. Humagalpak siya sa kakatawa na ngayon ay nakahawak na sa tyan niya. Tinitigan ko siya ng matalim bago siya hinampas sa braso. Alam ko naman kasing hindi pa ako kagalingan sa pagsayaw- Actually, di talaga ako marunong sumayaw.
"I hate you! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay." Nakabusangot kong itinuro sa kanya ang daan papunta sa pinto palabas ng bahay.
Mas lalong lumakas ang tawa niya. Uminit ang pisngi ko at kinuha ang throw pillow at pinagpa-palo siya nito.
Biglang dumating si Marlee at nanlaki ang kanyang mga mata.
"Dustin! Ano na naman bang sinabi mo kay Lia?"
"Lee! Don't you see that I'm the victim here? She's harrasing me." Napataas ang tono ng boses ni Dustin habang ginagamit ang mga kamay niya bilang panangga sa mga palo ko.
Mas lalong uminit ang pisngi ko. Oh, you're so going to get it. Mas nilakasan ko ang pagpalo pero nanatili parin ang ngisi sa mukha niya. I guess soft pillows like this are ineffective against him.
"Okay-okay. Just stop you two. You're both acting like a bunch of 10-year olds. Stop." Pinandilatan kami ni Marlee.
Natigil ako sa paghampas kay Dustin nang nakita ang iritadong mukha niya. An irritated Marlee is a big no-no. Iniwan ko ang throw pillow sa sofa at agad na nginitian si Marlee.
"How's Zeke doing?" Agad kong iniba ang topic.
Nakita kong biglang umaliwalas ang ekspresyon sa mukha niya at isang ngiti ang kanyang pinakawalan. Isang banggit lang sa boyfriend niya ay umiba na kaagad ang kanyang disposisyon.
"He's fine. He said that he'll be home next month. I just miss him so much. I don't know what to do for the next few weeks without him." Ngumuso siya at agad namang umubo si Dustin sa likod namin.
Nilapitan niya si Marlee habang humahagikhik.
Napatingin ako sa magkapatid. Halatang nananalaytay ang British na dugo sa kanilang mga ugat. Habang blue naman ang mga mata ni Marlee ay light brown naman ang sa nakababatang kapatid niya. Ang ganda ng lahi ng mga Sunderlands. Idagdag mo pa rito ang angking ganda ng Pilipina nilang ina.
"You can clean Leroy's house if you want my dear sister. Just to pass the time. Besides, bagay ka naman kasing tag-linis ng poo niya." Kinindatan niya si Marlee at agad naman siyang inisnaban nito.
Napatawa ako. Si Leroy ang alagang aso ni Dustin at halos araw-araw ay kailangang linisin ang bahay niya.
"Can you just go already Dustin?" Naiinis na binalingan ni Marlee ang kapatid niya.
Ngumuso si Dustin at agad namang tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Bago pa siya makaabot sa doorframe ay lumingon siya at kinindatan ako. Napahagikhik ako habang nangagalaiti na sa galit si Marlee.
"Chill, Lee. I was just joking. Well, I'm leaving." Kumuway si Dustin habang nakatalikod at tuluyan nang nawala sa paningin namin.
Magkasing-edad lang kami ni Dustin at sa parehong unibersidad rin nag-aaral. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Marlee at nakitang nakaupo na siya sa sofa.
Nagtama ang mga tingin namin at biglang lumaki ang ngisi sa kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay at agad niyang inilabas ang phone niya. Dumungaw ako sa ginagawa niya at nang itinigil niya ito sa isang article ay agad na lumaki ang nga mata ko. OMG.
Dumikit ang titig ko sa kanyang maamo at mala-anghel na mukha. Ang mahahaba niyang pilikmata ay lumitaw at natunaw ang puso ko sa ngisi na kanyang ipinakita. Naramdaman ko ang tibok ng aking puso.
"Lee! Ba't ngayon mo lang sinabi? Sana kahapon ay nakabili na ako kaagad ng copy nito. Don't you understand, Lee? It's him on the cover, him." Pagdiin ko.
Umiling lang siya at agad na ibinalik ang phone sa kanyang bulsa. I need to buy a copy of that magazine right now!
Hindi ko na hinintay ang maaaring sabihin ni Marlee at umakyat na ako sa hagdan para makarating sa kwarto ko. Mabilis kong sinuot ang ripped jeans ko at flannel shirt. Agad akong bumaba at natagpuang nakaabang na si Marlee sa labas ng bahay namin. Isinuot ko na ang sapatos ko at agad na nagpaalam kay manang Leonora na aalis muna ako.
"Sandali lang Lianna. Baka naman hanapin ka ni Mrs. Sy mamaya. Mapapagalitan ka na naman."
"Huwag kang mag-alala manang. I'll be here before she comes home. Later." Nagpaalam ako at sabay na kaming sumakay sa sundo ni Marlee.
Atat na atat na akong makarating sa mall na halos kada-minuto ay sinasabihan ko ang driver nila Marlee na bilisan ang pagmamaneho.Hindi ko na hinintay pang sabay na maglakad si Marlee sa'kin. Tinakbo ko ang bookstore at binayaran ang latest issue ng Lux magazine. Sa wakas nasa akin na rin siya. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa cover ng magazine at hindi ko napigilang tumili.
"Alam mo Lia, schoolmate naman natin siya. Why don't you just go and approach him instead of fantasizing about him from a distance. Maganda ka naman. Hindi ka nun iisnabin." Sabi ni Marlee.
She already knows the reason why. It wasn't about my confidence. It was more than that.
"Why don't you start now? He's in here you know." Napaawang ang bibig ko at nanlambot ang mga kamay ko na halos mabitawan ko na ang magazine.
There he was. Just 6 bookshelves away from us- from me.
Narinig niya kaya ang pinag-usapan namin? Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansing nandito pala siya. Ang lalaking hinahangaan ko ng sobra. Ang lalaking nasa cover ng binili kong magazine.
"Hey, Hanver!" Bati ni Marlee nang umangat ang tingin niya mula sa binabasang libro.
Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Nalipat ang titig niya sa akin at isang nakakahimatay na ngiti ang pambati niya. Hindi ko alam kung tama ba ang pagngiti ko pero nandito siya.
Nandito si Hanver Lu.
The guy that I have a massive crush on.
BINABASA MO ANG
Rough Edges (TKHND Spin-off)
Teen Fiction"I know I'm not what you would envision as a princess. I'm not the conventional beauty; I'm not graceful. I just happened to be a 'Sy'." Lumingon si Hanver at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "No. You're not. You're just a 'Sy' who's rough...