Reminiscence (Short Story)

353 7 3
                                    

Inspired by Yiruma's Reminiscent :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

3rd year high school. March.

5 years. 5 years and 2 months na pala simula nang araw na yun.

The day our story started.

Badtrip na badtrip ka nung araw na yun.

Malungkot ka pero pinipilit mong maging masaya nung sinundo mo ako sa classroom namin.

Ngumingiti ka pa at nagjojoke.

Pero hindi mo ako maloloko.

Kilala kita.

Bestfriend mo kaya ako. Alam ko kung kailan ka malungkot.

Tinext ko nun yung kaklase mo. Tinanong ko kung ano bang nangyari.

Alam ko kasing hindi ka aamin sa'kin.

Ayaw mong nag-aalala ako sa'yo.

Nalaman ko ang dahilan. Natalo pala kasi kayo sa basketball.

Niyaya kitang mag-arcade. Ayoko kasing umuwi kang badtrip.

Kilala kita.

Hindi ka nakakapag concentrate sa pag-aaral pag badtrip ka. May long quiz pa naman tayo nun sa noli kinabukasan.

Nung una nagulat ka pa na niyaya kita.

Alam mo kasing hindi na ako nagyayaya simula nung niligawan mo ako.

Wala eh. Nahihiya kasi ako.

Pero hindi, ibang usapan nung araw na yun.

Naggala tayo nun.

Bumili ka pa nga ng damit dahil wala kang dalang pamalit sa uniform.

Ang kulit kulit mo pa.

Tawa ka nang tawa nung makita mo ang reaksyon ko nung nagfit ka ng black na polo shirt.

Oo na. Ikaw nang gwapo.

Nag-arcade tayo.

Inilalayo kita sa basketball dahil baka maalala mo yung nangyari kanina.

Pero mukhang masaya ka na kaya hindi mo na naalala yung nangyari.

Naglaban pa nga tayo nun sa basketball.

Tuwang-tuwa ka pa nung natalo mo ko.

Syempre varsity ka eh. Malamang matatalo mo talaga ako.

Pagkatapos nun hinila mo ako sa isang ice cream stand.

"Isa po dito sa ube."

Ang hilig mo talaga sa ube.

"At isa po dito sa cookies & cream."

At alam na alam mo talaga ang gusto ko.

Nag-ikot ikot pa tayo nun. Nakakita ako ng couple necklace.

Ang ganda.

Pero saka ko na bibilhin. Baka makahalata ka.

7:30pm. Sakto lang.

Niyaya kitang magdinner sa'min. Sabi ko late celebration lang ng birthday ko. 8pm kasi yung family dinner namin.

Tuwang-tuwa sina Mama nung makita ka. Pati yung mga kapatid ko tuwang-tuwa din.

Nung dumating nga tayo parang ikaw yung kamag-anak nila at hindi ako.

Nagkwentuhan lang tayo nun ng pamilya ko. Inaasar pa tayong dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reminiscence (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon