Ilang oras na ang nakalipas, mag aalas-tres na at malapit na sana sila sa lugar na iyon kaso...
Driver: Patay! Nakapadlock yung gate.
Tour guide: Manong ang alam ko po may ibang daan, magtanong nalang tayo
Driver: Sige.
Tourguide: Mga bata may kaunti lang tayong problema sumunod lang kayo kay teacher ha.
May nakita silang matandang babae na naglalakad at tinanong nila ito...
Driver: Excuse me po, saan po ba ang ibang daan papunta sa Hawthorne's zoo?
Matanda: Dumiretso lang kayo at kumanan tapos diretso ulit may makikita kayong sign.
Driver: Salamat po.
Habang dumederetso nakapasok sila sa isang village na napakalaki may nakasulat na Bienvenido to... Naputol ang sinasabi nito dahil wasak na ito sa sobrang luma. Ang creepy naman. Biglang nagring ang cellphone ni Angelica, may text siya galing kay Girlyn
Girlyn: Angel, nakita mo??
Angelica: Ang ano?
Yung tungkol sa lugar na ito, may misteryo kaya dito sa isang village na ewan weird daw kasi wala daw nakakaalam kung anong meron dito, kung paanong nasira. Nasunog daw ang village na ito.... maraming nagsasabi ng nasunog daw ito at lumikas ang tao kaya binili ito ni Capt.Hawthorne at gagawin sanang attraction kaso maraming paranormal experts ang nagsasabing may kaluluwa dito.
Angelica: Ah ok. ty.
Kinabahan bigla si Angelica. Paano nga kung ito iyon at may multo. Huwag naman sana may mangyaring masama. Mas kinabahan pa ito nang nakita niya ang mga bahay na walang salamin, puro kahoy, mga punong sunog at... itim na anino don sa isang bahay na pinakamagara ang itsura sa lahat. Pero hindi niya ito pinansin.
