"Young lady" tawag ng isang lalaki na kung tawagin ay Butler.
Humarap sa kanya ang babaeng may malamig na titig at may matapang na aura.
"What is it?" sagot ng babaeng tinatawag na Young lady. Naka upo ito sa isang silya, habang may hawak na isang wine glass sa kanyang kaliwang kamay.
"Narito na po ang pinapakuha niyo." sabay abot ng butler ng isang envelope
Kinuha at binuksan ito ng babaeng tinatawag nilang Young lady. Ang laman ng envelope ay isang folder, binuksan niya ito habang iniinom ang kanyang wine.
The Young lady smirked.
"Makaka alis ka na" sabi ng babaeng tinatawag na Young lady sa kaniyang butler. Yumuko muna ang Butler bago umalis bilang pag bigay galang.
Pag ka alis ng Butler ay tumayo ang babae at humarap sa isang salamin, kinuha nito ang kanyang cellphone at nag dial. Habang nag hihintay na sagutin ang kanyang tawag ay tinitignan niya ang kanyang repleksyon sa salamin.
"Hello Natasha, the most beautiful girl in the world." sabi ng isang lalaki sa kabilang linya, agad namang napataas ang kilay at napa smirk ang babaeng tinatawag na Young lady na ang pangalan ay Natasha.
Papalubog na ang araw.
Naka upo si Natasha sa sofa ng kaniyang kwarto habang naka patong ang dalawang paa nito sa kaharap na lamesa. May hawak itong libro sa kaniyang kanang kamay na kasalukuyan niyang binabasa, ang kabilang kamay naman ay nakahawak sa isang basong juice habang pinapaikot ikot ang laman nito.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong babae. Ang nangunguna ay isang babaeng may hawak na isang garapon ng lollipops habang may hawak din na lollipop sa bibig nito, kasunod ang dalawang babaeng may hawak na mga malalaking unan.
"Get out" kahit di pa tignan ni Natasha kung sino ang mga pumasok sa kanyang silid alam na niya kung sino ang mga ito.
Diretsong umupo ang babaeng may daladalang lollipop at ang isa pang babaeng may hawak na malaking unan sa sofa at nag salin ng juice sa isang baso habang ang isa naman ay lumundag ka agad sa kama, na parang walang silang narinig.
"Anong get out get out sinasabi mo jan, mag ssleepover kami dito no" sabi ng babaeng katabi ni Natasha na may dalang malaking unan at uminom ng juice sa baso na sinalinan niya kanina
"Palagi nalang bang grape juice iinumin mo? Di ka yata nata nag sasawa eh" kumento pa ng babaeng katabi niya sa sofa pagka inom ng juice, hindi nalang ito pinansin ni Natasha
"Sino namang may sabi sa inyo na pwedi kayong matulog dito sa kwarto ko?" sagot ni Natasha sabay sirado ng librong binabasa niya
"Kami" sagot ng babaeng nakahiga sa kama habang nag pa gulong gulong hanggang sa nahulog ito sa kama
"Aray!" daing pa nito
Inabutan naman siya ng isang lollipop na may flavor na ube ng babaeng may hawak na isang garapong lollipops habang naka ngiti ng malapad at di namamalayang tumutulo na pala ang laway nito
Kinuha naman ni Natasha ang lollipop na inabot sa kaniya
"Ewww Louise tumutulo na yung laway mo oh" sabi naman ng babaeng katabi nila sa sofa
"May muta ka rin Liutzi" sagot pabalik ng babaeng may dalang lollipop na ang pangalan pala ay Louise
"What?!" maarting sigaw nito at mabilis na tumakbo papunta sa salamin
Natawa naman ang babaeng nahulog sa kama na ngayon ay tumabi na kay Louise at kumuha ng isang pirasong lollipop sa garapon
Sinamaan ng tingin ni Liutzi si Louise ng napagtanto niyang naisahan siya nito
Agad namang pinahid ni Louise ang laway nito sabay tawa
Di na pinansin ni Natasha ang tatlo dahil abala at seryoso siya sa pag bukas ng lollipop na ang flavor ay ube nahihirapan siyang buksan ito dahil silyadong silyado, paborito kase niya ang flavor ng ube at ubas.
Malapit na siyang mainis rito mabuti nalang ay natanggal na niya ang balat
Dahil malapit lang ang salamin sa kama ay naisipan ni Liutzi na kunin ang unan at batuhin si Louise para maka ganti rito pero sa kasamaang palad lumanding sa mukha ni Natasha ang ang unan.
Nang dahil dito ay nabitawan ni Natasha ang lollipop na hawak niya at nahulog sa sahig
Napatigil naman sa pag tawa ang dalawa at natigil din si Liutzi
"Zyra tatakbo na ba tayo?" sabay hawak ni Louise sa katabi niya
"LAHAT KAYO, LABAS!"
BINABASA MO ANG
Our Path
Teen FictionIn life we need to choose our path, minsan nalilihis tayo ng landas ngunit nakababalik din sa tamang landas habang ang iba namay tuluyan na ngang na lihis.