One Shot 1: Dear Future Boyfriend

194 4 6
                                    

One Shot #1: Dear Future Boyfriend

Nasa library ako. Dahil wala akong magawa nilabas ko ang isang blue journal. Sa journal na to, sinusulat ko lahat. Parang diary. Pero hindi Dear Diary ang palagi kong unang sinusulat kundi… 

Dear Future Boyfriend,

Huy Future Mahal! Sorry ha, di ako nakapagsulat sayo kahapon. Busy ako e. Madami kasing school works. Nakakastress maging college no? College ka na ba future boyfriend? Ano kayang course mo? Ako kasi Business Ad.

“Jai?” Tinago ko agad ung blue journal ko. Aish, di pa nga ako tapos magsulat kay future boyfriend e. -_______- Inangat ko na yung ulo ko para sana awayin yung tumawag sakin pero di ko na nagawa. Pano si Future Boyfriend nasa harap ko. 

“Uy Christian. Bakit?” Joke lang yung future boyfriend, crush ko lang siya. Mga 2 years na, crush pa ba yon?

“Wala na kasing bakanteng upuan e. So pwede bang maki-upo?” sabi niya sabay killer smile. 

“Oo naman. Bakit naman hindi?” Nginitian ko din siya. 

Umupo lang siya tapos nagbukas ng libro at nagbasa. Hindi na ko pinansin.

Ako pala si Jai. At siya si Christian. Basketball player siya sa school, member naman ako ng pep squad kaya magkakilala kami. Crush ko siya, dati pa. Ang gwapo niya kasi e. Pati dean’s lister, mabait tapos magaling pa magbasketball.

Dahil nabored ako, pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat kay future boyfriend. Di niya naman siguro ako papansinin.

..Alam ko namang magkikita tayo sa tamang panahon future boyfriend e. Hindi naman ako nagmamadali kaya take your time. Kasama ko pala si Christian ngayon. Crush ko. Di nga lang ako crush. Pero okay lang, alam ko namang dadating ka future boyfriend e. Sana okay ka ngayon. See you when I see you! 

Your Future Girlfriend,

Jai.

Pagkatapos nun, nagpaalam na ako kay Christian. Tumango lang siya. Busy sa pagbabasa e.

Simula nung araw na yun, hindi na kami masyadong nagkita ni Christian. Magkaiba kasi kami ng course pati building. Namiss ko na nga siya e. Buti na lang may practice kami ngayon.

“Okay guys, break muna tayo nang fifteen minutes!” sigaw ng coach namin.

Umupo ako sa bleachers. Nilabas ko yung blue journal at nagsulat ulit. Ayun ung palagi kong routine sa araw-araw. Pag wala akong magawa, nagsusulat ako sa kaniya para pag nagkakilala na kami at naging boyfriend ko na siya, ibibigay ko to sakanya para alam niya yung mga ginagawa ko nung mga panahong hindi pa kami magkakilala. 

“Jai?” Inangat ko yung ulo ko at tinago ung blue journal.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon