One Shot 2: Panty at Brief

109 2 2
                                    

One Shot #2: P&B

 A/N: Ang storyang ito ay nag mula sa kwento ng kaklase ko. Hahaha. Shock din ako ng malaman ko to, lol. Nakatambak kase siya sa drafts e kaya tinuloy ko na :) Nakakahiya ito! Pramis. Payo ko lang..

"Don't judge a book by its title."

Enjoy!

Panty at Brief.

Lunes ng umaga. Dahil wala kameng teacher eh napagdiskitahan naming magkaklase na magkwentuhan na lang.

Inayos namin ang upuan at nagform nang pabilog. 

"Shane tabi tayo ha," nakangiting sabi ni Chris saken. Tumango naman ako.

"Guys, may sasabihin ako sa inyo." panimula ni Krizza, kaklase ko. 

"Ano yun?" tanong naman ni Kent.

"Sinong may crush na dito?" tanong ni Krizza pero walang nagtaas ng kamay. Malamang sa malamang nagkakahiyaan. 

"Yung totoo. Di ko naman itatanong kung sino e."

Unti-unting may mga nagtaas ng kamay. Kaya tinaas ko na din ang kamay ko. Sabay silip kay.. 

Chris. Wag kayong maingay ha :">

Kaya nga lang, nakataas din siya ng kamay. Ibig sabihin, may crush na din siya. Aww, sana hindi si Lai na bestfriend ko na pinakamaganda sa klase. Masakit yun. Ajujuu. 

"Gusto niyo bang malaman kung paano kayo magugustuhan ng mga crush niyo in two simple steps?" nakangiting tanong ni Krizza. 

Nagniningning naman ang mga mata na sumagot ng OO yung mga kaklase ko. Aba sino ba namang ayaw magkagusto ang crush mo sayo? Ikaw! Ayaw mo bang magkagusto ang crush mo sayo? Kunwari ka pa, OO naman yan.

"Ganto guys, lapit kayo ng onti. Ibubulong ko lang. Nakakahiya kase masyado," mahinang sabi ni Krizza. 

Since uto-uto naman kame eh lumapit nga kame.

"Alam niyo ba kung pano kayo magugustuhan ng mga crush niyo? Una..."

"..kailangan niyong kumuha.."

"Ng picture? Sus ang dali lang niyan!" Sabat naman agad ni Kent.

Excited ata masyado!

"Patapusin mo muna ako Kent pwede ba? Una, kailangan niyong kumuha ng..

..panty kung babae ang crush niyo at brief naman kung lalaki." 

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon