Ang inaakala

162 7 0
                                    

Day 3 na ng school ngayon ng mga mag-aaral.
Bianca:
"Parang ayaw kong pumasok, nakakahiya kay Miguel niyakap ko siya kahapon. Si Bes Pat naman kasi ehh!" pagkasabi sa kaniyang sariling takot.

Miguel:
"Nakakahiya naman kay Bianca kahapon, nayakap niya ko. Parang natatakot akong pumasok ngayon. Bat di kasi ako lumayo nun. Pero hayaan ko na, atlis nayakap ako ng pinaka-mamahal kong babae. Sarap pa nga ng yakap niya!" sabi niya sa kaniyang sariling takot din pero kinikilig.
Sa School:
Nakita ni Miguel na naglalakad si Bianca na walang kasama, tumakbo kagad ito.
"Bianca!!" sigaw ni Miguel.
"Hello Miguel!"
"Oh, bat di mo kasama si Patricia? Galit ka ba sakanya kasi pinayak niya ikaw sakin?"
"Hindi ako galit sakanya."
"O bakit di mo siya kasama, ehh dati-rati palagi kayong magkasama pag umaga. Ehh baka sakin ka galit kasi nayakap moko at di ako nakalayo"
"Di naman ako galit sayo Miguel. Di mo naman kasalanan yun ehh!"
"Ok! Di mo pa sinasagot yung tanong ko na bat di mo kasama si Patricia."
"Ayy oo. Kasi kaya di ko siya kasama, wala pa siya. Dati-rati ang agang pumapasok nun ehh, ewan ko ngayon bat wala pa."
"Baka naman absent?"
"Ewan ko lang. Wala siyang nasabi sakin na absent siya. Last school year, sinasabi naman niga pag mag-aabsent siya. Ewan ko lang ngayon."
"Baka natatakot sayo?"
"Bakit naman matatakot sakin? Haha!"
"Kasi nga diba kahapon pinayakap niya ikaw sakin?"
"Hindi takot sakin yun. Ako nga takot dun ehh!"
"Sige tara na, pasok na tayo sa room!"
"Ok!"
At habang naglalakad sila papuntang room,
"Sana absent talaga si Patricia. Para masolo ko si Bianca ngayon!" sabi ni Miguel sa kaniyang sarili.
Flag Ceremony:
Dumating na si Patricia at si Bianca naman ay masaya, habang si Miguel ay naiinis dahil hindi niya masosolo si Bianca ngayon.
"Bes Pat andito ka na pala, kala ko absent ka. Bat late ka?"
"Bakit masama ba? Haha! ✌"
"Dati di ka naman nale-late ahh. Palagi ka nga nauuna sakin pumasok."
"Nasiraan kasi kami ng sasakyan ehh, Bes Banky!"
"Ok!"
"Musta kayo ni Fafah Miguel?"
"Ayun, kala namin absent ka."
"Bakit gusto niyo kong mag-absent? Haha!"
"Di naman sa ganon. Grabe ka Bes Pat!"
"Tara wag na tayong magdaldalan. Baka makita pa tayo ni Ma'am! Pasimula na yung Lupang Hinirang ehh!"
At silang lahat na estudyante ay sabay-sabay ng kumanta ng Lupang Hinirang

True Love (BiGuel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon