Pano ba magsimula ng panibagong buhay,
kung ang itinuring mong buhay ay iniwan kang luhaan at para ka na ring pinatay..Ung akala mong ilalaban ka hanggang sa huli,
ay biglang nawala at di na nagpakitang muli..
Ung nagsabi walang bibitaw, kapit lang kahit gano kahirap ang sitwasyon,
ang sya ng sanhi ng pagkaligaw mo ngayon..Pano magsimula kung kinalimutan na nya ang pangakong hindi sya mawawala..
Dadalhin ka ng mga paa mo sa mga lugar na hindi mo kilala, dahil gusto mong kalimutan ang sakit at ang iyong pagdurusa..
Dibdib mo ay punong puno galit, sakit, lungkot, himuot pero wala kang ibang magawa kundi ang dapat ay simulan ng makalimot..Pano magsimula kung sya pa din ang sigaw ng puso, kung sa bawat oras laman sya ng isipan at sya ang nakikita kahit saan..
Pinaglalaruan ka ng iyong isip, emosyon at imahinasyon..
Pero kahit para kang sinaksak sa sobrang sakit, gusto mo pa din syang mahalin kahit walang kapalit..Mahal mo sya.. Mahal na mahal mo sya..
At hindi ka makaalis sa lugar at panahon na minahal mo sya, na naramdaman nyong dalawa ang walang hanggang saya..
Naranasan at naramdaman nyo ang mga bagay na hindi nyo naranasan at naramdaman noon..Kaya pano ka magsisimula?
Dahil kung ako mismo hindi ko alam ang sagot, kung alam ko sana sinimulan ko ng lumimot..
BINABASA MO ANG
Pano Ba Magsimula?
PoetryIsang tulang naghahanap ng sagot kung paano makalimot at magsimula ulit.. Property of BlueHeartShinsei