Prologue

46 4 2
                                    

Ano sa palagay niyo ang dahilan kung bakit kayo sikat?

Nicky: Natural gwapo kami kaya kami sikat.

Wow! Ang lupet mo tsong!

Kian: Hindi lang kami basta gwapo, talented at matatalino din kami. Tignan mo yang isa jan, consistent honor student yan from elementary to college. (Sabay turo kay Bryan)

Shane: Tumigil ka Kian, wag mong maikabit-kabit yang sarili mo sa karangalan ni Bryan. Baka nakakalimutan mong pasang-awa ka lang.

Ang tindi mo rin Shane! Kung makapanlait ka wagas!

Mark: Kung makapasang-awa ka naman. Respeto naman tol, wag mo na siyang idegrade pa lalo. Stop stating the obvious.

Kian: Akala ko kakampi kita Mark, mas malala ka pa pala! Nakakasakit ka na ha!

Nicky: Aba't nasasaktan ka rin pala Kian Egan? Hahaha. Pero don't worry, nasa iyo ang sympathy namin.

Shane: Well point made Nicky! What a word of wisdom from you! Back to the question, bakit nga ba kami sikat? Well maybe because malakas ang charisma namin, lalo na sa mga babae... yah! That's it!

Mark: Sikat kami kasi magaling kaming magpakilig. Hahahaha

Ikaw na ang romantic!

Bryan: Teka, ako na ba? Akala ko di niyo ako pasisingitin. Tinatanong mo kung bakit kami sikat? Simple lang ang sagot jan; ipinanganak at itinadhana kami para maging sikat. Is that enough??

WOW HA! Ang yayabang niyo grabe! Parang binabagyo ang studio sa pinagsama-samang kahanginan niyo.

Bryan: Ganoon talaga, sikat nga kasi kami. At walang makakapigil sa amin. Hahahahahahaha.

Yan ang simula ng kayabangan at kalokohan ng pinakasikat na boyband sa balat ng lupa. Sila ang Westlife mga kababayan.

So ano na, ipagpatuloy na natin ang kasiyahan, kayabangan, kahanginan, at kabaliwan ng grupong ito.

Enjoy reading!!!

WESTLIFE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon