SHANE [1]

37 3 0
                                    

SHANE'S POV

"Sa wakas! Nakarating ka rin Shane!" -Nicky

"Of course darating ako Nicky. Alam ko namang hindi kayo makakapagrecording pag wala ako." -me

"Nasasabi mo iyan kasi ikaw ang lead vocalist. Yabang neto oh!" -Mark

"Hayaan mong magbuhat ng sariling bangko iyan nang magkaroon naman ng entertainment ang buhay niyan." -Bryan

"Gago ka talagang Bryan ka! Anong akala mo sa akin, robot na apathetic?" -me

"Napaghahalatang napakaboring ng buhay mo ano Shane? Ni nakalimutan mo nang magcompose ng magandang sentence. Hahahaha!" -Kian

"Teka, ano bang mali sa sinabi ko?" -painosente kong tanong.

"What was that again? Robot na apathetic? May redundancy jan tol. Technically, ang robot apathetic na iyan, idinescribe mo pa kaya naging redundant ka." -Bryan

Hay nako! Nagsalita na naman ang pinakamatalino sa amin. Ewan ko ba kapag yung tatlong unggoy ang nagsalita deadma lang ako. Pero kapag tong Higanteng Bryan na ito ang nagsalita nawiwindang ako. Nakakaasar lang kasi.

"Hay ewan ko sa iyo Bryan. Kapag ikaw ang nagkamali sa pagconstruct ng sentence, 'who you' ka sa akin.

"At kailan naman kaya mangyayari iyon Shane?" -Bryan

Nang gagago ba itong hinayupak na to? Talagang sa akin pa tinanong kung kailan siya papalya sa pagbuo ng sentence. Nakakagago lang kasi.

"Magpractice na nga lang tayo, mga tarantado kayo. Bubwisitin niyo lang naman ako eh." -me

"Very well said Shane, nang hindi kami mahawa jan sa kaboringan mo." -Kian

Mga kaibigan ko ba talaga tong apat na ito? Lagi na lang nila akong binabadtrip ah. Nakakahalatana ako eh.

"Kung tarantado kami Shane, ano ka pa kaya? Baka nakakalimutan mong magkakaibigan tayo since elementary." -Nicky

"Hay! Ewan ko sa inyo. Ang gulo niyong kausap. Sumasakit ang ulo ko sa inyo." -me

"Ang sabihin mo, boring ka lang talaga." -Kian.

"MAY TAMA KA KIAN!!!" -silang apat

"Mga gago talaga to oh. Magreherse na nga lang tayo. Nakakagago lang kayo!" - me

"Ikaw ang gago." -Mark

Nang matapos ang aming rehersal/recording session ay naisipan naming dumaan muna kina Bryan. Sa totoo lang, matagal na kaming hindi nakakaapak sa bahay ng hudyong ito; lalo na ako. According to Kian, opisina-studio-bahay lang ang ruta ko. Walang bahay ng kaibigan.

"Ano Shane, ang tagal mo nang hindi nakapunta dito? Di mo ba namimiss ang bahay nina Bryan?" -Nicky

"Siyempre namimiss. Di lang naman kasi ako makapunta dito dahil nga busy na ako masyado." -me

"Ang sabihin mo, may nagpapaalala sayo sa lugar na ito. Am I right Bryan?" -Kian

Nagkibit balikat lamang si Bryan. Halatang asiwa rin siya na pagusapan ang kanina pang binabanggit ninaNicky at Kian.

"Tama na nga yang mga kagaguhan na iyan, nandito tayo para magsaya." -Mark

"Oo nga naman. Matanong ko nga Bryan, ano ba ang okasyon at bigla mo kaming hinila dito?" -
Kian

"Birthday kasi ni dad." -Bryan

"Ah ganoon ba pare. Nasaan na ba so Tito?" -Nicky

"Nasa kwarto pa yata. Nagreready." -Bryan

After a few minutes, lumabas na si tito na siyang hudyat para magsimula ang party.

The party went well. I'm trying to enjoy myself when I saw a picture from the wall. I can still remember her face, her lovely smile. A smile that could melt someone's heart.

She's Brianna Jade McFadden. Bryan's twin sister.

Na siyang naging dahilan ng malaking hidwaan namin ni Bryan noon. Isa iyon sa pinakamasakit na alaala namin na kailanman ay hindi ko makakalimutan.

WESTLIFE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon