What is happiness ?
Akala ko masaya ako sa mga bagay na mayroon ako .
Magagarang bagay , kasikatan , maraming fans , tinitingala ng lahat , pinapangarap , iniidolo at maraming nagmamahal.Nasa akin na ang lahat pero bakit hindi ko man lang mahanap sa sarili ko ang salitang kasiyahan ? Masaya nga ba talaga ako ?
Hindi ko alam ang sagot .
Ano nga ba ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin ?
Mga bagay na gusto kong gawin .Hindi ko alam . Ang tanging alam ko lang ang mga bagay na ayaw kong gawin .
Ang biguin ang lahat ng nagmamahal sa akin . Ayaw ko silang saktan . Kaya naging sunod-sunuran ako . Ginagawa ko lahat ng gusto at sinasabi nila .
Pero simula nang makilala ko siya nalaman ko na ang kung ano talaga ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin .
Ang kalayaan . Ang kalayaan kong gawin ang lahat ng gusto ko . Kalayaang puntahan ang mga lugar na gustong gusto kong puntahan . Walang mga taong mangingialam sa akin , walang taong mangugulo at maghahabol sa akin .
Yung pagnakita ako walang magpapapicture . Hindi ako pagkakaguluhan . Yung may privacy ako .
Yung wala silang pakialam sa gagwin ko . Hindi yung makita lang ako ay maiisue na agad . Yung may karapatan akong samahan ang ibang taong gusto ko pakisamahan ng walang iniisip na iba ang mga tao .
Sa kabila ng kasikatan ko maraming bagay ang nawala sa akin at yun ay ang kasiyahan ko .
Pinakita niya sa akin kung ano talaga ang kasiyahan .
Pinaramdam niya sa akin kung gano kasaya ang gawin ang mga gusto ko na hindi ka nagaalala .
Narealize ko na hindi pala talagang ako ang ipinapakita ko sa harap ng camera .
Ang sarap palang ipakita yung totoong ikaw . Yung ikaw talaga , walang haling pagpapanggap para pangalagaan yung image moNalaman ko kung ano talaga ang mga gusto ko at hindi ang gusto nila ..
