episodes

30 0 1
                                    

note:

** - flashbacks

-- - back sa reality, fast forward, so forth

--> thank you :)

“Ano bang magandang ibigay  para sa isang babae,Sally?”  tanong nya.

“Para kanino ba Tom?”  sagot ko naman.

“Kay chat. Kanino pa ba edi sa girlfriend ko.”

Tama. Para sa girlfriend mo.

“Ano bang okasyon?”

“Mag-1-one year na kami next week! Nakalimutan mo nab a? sa October 26.”

One year? Oo nga pala. Antagal nyo na rin pala.

“Ay oo nga pala! HAHA! Ang bilis nga naman ng panahon oo. Kailan lang nung nagpapatulong ka pa para manligaw. Kita mo nga naman ang panahon.”

Ako nga pala si Sallly. Bestfriend ni Tom. Matagal na kaming matalik na magkaibiggan. Matagal ko na rin syang lihim na minamahal.

“HAHA! Oo nga e. Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig. HAHA!”  masaya nyang tawa.

“Ayan ka na naman e. sumusumpong na naman yang pagkacorny mo!”  biro ko.

“Kakainin mo rin yang mga panlalait mo Sally. Sa oras na nagmahal ka.” 

Nagmamahal ako Tom. Nagmamahal ako sa taong may mahal na iba.

“Tse! Di ko kailangan yang love life love life na iyan noh! Ay! Ba’t ba ako ang naging topic natin?...di ba tinatanong mo kung anong magandang iregalo kay Chat?”  pang-iiba ko ng usapan.

“Yhup. Ano nga ba Sally? Wala na talaga akong maisip eh.”

“Hmmm…….ba’t di mo sya ibili ng promise ring?”

“Promise ring? As in singsing?”

“Oo. Nabanggit sakin minsan ni Abby yun e. pag daw binigyan mo ng ganoon ang taong mahal mo ibig sabihin siya na talaga forever.”

Ayan ka na naman Sally. Ginagawa mo na namang masaya ang bida.

“Hmmmm……pwede nay un. Tulungan mo kong bumili mamaya sa mall ah?”

“Aba galante ka ngayon ah?”  pang-aasar ko.

“Naman! Piang-ipunan ko talaga ito para lang sa kanya.”

“Tama. Para sa kanya.”  Tinitigan ko na lamang syan kitang-kita kung gaano sya kasaya sa piling ng bida ng buhay nya.

--

Pagkalipas ng dalawang linggo…

“Nasaan sya?”  tanong ko kay Albert,, isa sa mga barkada ni Tom.

“Nandoon Sally. Kanina pa sya umiinom inaawat na nga naming ayaw pa rin tumigil e. Nagwawala na sya roon Sally.”  Paliwanag ni Albert.

“HA?! H-halika tulungan mo ko.”

“Sige.”  Pumasok kami sa loob ng bar at nadatnan naming nagwawala sa loob si Tom. Palagi na lamang syang umiinom simula noong araw na iyon.

**

“Tom!”  muntik na syang matumba buti na lang at nasalo ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXTRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon