Craziest Fantasy ❤

29 0 0
                                    

  Ginger  Castañeda

  Naaalala mo pa nung una tayong mag kakilala?   Tandang tanda ko pa nga na nag ka banggaan tayo eh. 

Natapon sakin ang dala dala mong pagkain nun.  Todo sorry ka pa at todo punas ka din ng tissue sa damit ko. 

Grabe naman kasi.  Halos nagmukang pula ang Puti kong uniporme sa pagtapon ng spaghetti sakin. 

Pero masaya parin ako kasi pinag laanan mo ako ng oras.  Karamihan kasi sa mga tao ngayon porket Hindi maganda ay hindi na pinag lalaanan ng oras .  Mga judgemental. 

Nakaka tawang isipin na dahil rin sa insidenteng yun ay naging close tayo. 

Hindi ko inakalang makikipag kaibigan ka sa akin.  Kasi napaka simple ko lang.  Ako lang yung tipo ng babae na dinadaan daanan mo lang.  Yung hindi nakaka agaw talaga ng atensyon dahil sa sobrang ganda.

Isang Mhever Nicolas pa man din ikaw?   Si Mhever Nicolas na sobrang sikat . Pinapangarap ng lahat ng kababaihan.  Gwapo,  matalino,  At mayaman ay gugustuhing makipag kaibigan sakin ? 

     Ikaw na ang laging kasama ko nun.  Ang aking Boy Bestfriend.  Ang saya kasi akala ko hindi ako mag kakaron ng totoong kaibigan sa school nato. Meron ka pa nga saking endearment eh "Luyang Dilaw"  . Anlakas talaga ng trip mo.  Since tagalog ng ginger ay "Luya" at favorite color ko naman ang Yellow kaya "Luyang Dilaw" ang tinatawag mo sakin nun hanggang nakasanayan ko nalang.   Tumagal ang ating pag kakaibigan.  Hanggang sa mag 4th year high school na tayo ay nanatili parin tayong matatag bilang mag kaibigan.  Yung iba nga napag kakamalan na tayong mag Jowa eh.  Ini-ignore ko lang.   Pero isang araw may sinabi kang nag pabago ang lahat  "Mahal kita, Hindi bilang kaibigan Kundi Ka-IBIGAN   At Luyang Dilaw liligawan kita, at gagawin ko ang lahat matanggap ko lang ang matamis mong Oo"

infairness ang corny ng line mo hah?   Sinabi ko na pag iisipan ko.   Pero Isang araw ay may balita akong natanggap mula sa kapatid mo na sobrang ipinanlumo ko.  PATAY KA NA. Dead on Arrival. 

Naholdap ka daw at nasaksak.   Maraming dugo ang nawala sayo. 

Agad agad akong pumunta sa Ospital na tinukoy sakin ng kapatid mo. 

Sobrang bigat ng bawat hakbang ko .  Tila ay parang ayoko nang umusad pa at tuluyang umiyak kung saan ako nakatayo.  Pero pinilit ko paring maglakad para makita man lang ang malamig mong bangkay. 

Naka takip ang isang puting kumot sa buong katawan mo . Tinanggal ko ang pag kakatapal ng kumot sa bandang muka mo.  At doon na ko tuluyang umiyak.  Bakit?   Bakit kung kelan nako papayag na ligawan mo ko ay bigla ka nalang nawala . Minahal narin kasi kita  . Sobra akong napa iyak at napasigaw sa sobrang pag kalungkot.  Lumuluha ako habang yakap yakap ang malamig mong bangkay. 

"Mhev  !  Pumapayag nakong maging girlfriend mo  !  Wag ka nang manligaw  !   Basta mabuhay ka lang! " sigaw ko habamg patuloy parin ang pag agos ng luha ko. 

"Walang bawian hah?  Girlfriend na kita! "  nagulat ako nang bigla kang mag salita.  Ang lumbay ay napalitan ng pag kalito at pag kagulat.  

"H-huh?   B-buhay ka? " gulat na tanong ko.

"Oo,  sus !  Kailangan ko pa talagang mag panggap na patay para lang pumayag kang manligaw ako?  Kaso wala eh. Wala nang bawian SABI MO KASI GIRLFRIEND NA KITA"

Hinampas kita habang patuloy parin sa pag iyak.  Pero ang mga luhang ito ay "Tears Of joy"   . Nagulat nalang ako ng pumasok ang mga kamag anak mo at kamag anak ko.  Pati na rin ang mga kaibigan natin.  Pinag planuhan niyo pala to. 

"Luyang Dilaw,  Girlfriend na kita hah?   I love you "

Napa "Ayiee" nalang ang lahat ng mga tao sa silid. 

"Oo!  I love you too,  Mhever Nicolas Dela Cruz" at niyakap na natin ang isat isa. 

Mahal na mahal kita Mhever. 

Yun ang pinaka masayang araw sa buhay ko.




-- Craziest Fantasy













"Haist  !  Nasan na ba yun? " sigaw ko habang aligaga sa pag hahanap ng notebook sa nayun sa locker ko.  Shet lang  !   San ko ba kasi nalagay yun  ?!? Peste naman oh  !  Dun ko pa naman nilagay ang Storya ko este Fantasy Fiction story ko tungkol sa ka school mate kong si Mhever Nicolas Dela Cruz.  Panu nalang kung may naka basa nun  !?  Nakuu naman ginger napaka burara mo  ><

Oo,  si Mhever,  si Mhever na pantasya ko . Si Mhever na sobrang sikat,  matalino,   mayaman at di alam na may nag eexist na Ginger Castañeda sa planetang to!?

"Sayo ba itong notebook nato ?  Naiwan mo kasi kanina pang Umaga sa canteen" naka hinga ako nang maayos ng marinig ko iyon at nang maiabot sakin ang notebook nayun.

"Nakuu kuya thank you ah? Buti di mo binas--"  Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil nang makaharap nako sa lalaking nagbigay sakin ng notebook ay napanganga ako.  SI MHEVER NICOLAS DELA CRUZ ang lalaking pinag papantasyahan ko. 

Sa sobrang pag gulat ko ay di ko na pala napansin na wala ka na pala sa harapan ko.  Pero eto ang mga kataga mong huling sinabi. 

"Nice story by the way, LUYANG DILAW"

shucks nabasa niya nga!  O_o  Pero Masaya parin ako dahil napansin at nalaman mo ang existence ko.  Masaya nako dun .

Mahal na mahal kita Mhever. 







-- The end

Craziest FantasyWhere stories live. Discover now