ARCI'S POV
"Jake? Gawin mo na assignment mo! Maya maya darating na yung teacher sa room! Dali na!" Sabi ko kay jake habang inaabot ang ballpen at papel
Ang kulit naman kase!
"Tinatamad talaga ako Arci." Sabi ni Jake at umupo ako sa tabi niya at tumingin sa mga mata niya.
"Please?" Ako.
"Ugh! Akin na nga yan! Kase naman e! Pasalamat ka at mahal kita!" Jake.
Asus!
"Mahal din naman kita e kaya quits lang tayo!" Sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at nag simula siya mag sulat gamit yung kabilang kamay niya gets?
Grabe! Ang tagal nang hinintay namin para dito :) sa lahat nang to. Tatlong taon kaming naghintay sa isat isa hanggang sa maging okay ang lahat. Kaya ngayon kahit, 2 weeks palang kami, sobrang mahal ko siya. At alam ko na mahal niya rin ako. 4th year highschool na kami ngayon, at ngayon, okay na ang lahat. Dati kase, umamin sakin si Jake, at nung panahong yun, gusto ko siya pero hindi pwede maging kami o ligawan niya ko kase may nagkakagusto sa akin tropa din namin (oh! Diba? Haba nang hair!) na handa pumatay or gawin ang kung ano anong churva para lang sa gusto niya. Dahil sa takot, takot na masira yung tropa namin, na masira lahat, na magkagulo kaya napagdesisyonan namin na maghintay. At sa wakas, okay na ang lahaaaaat!
"YES!TAPOS NA KO!" Sigaw ni jake at tumayo. Para talagang bata to!
Tumayo na ko at ngumiti "tara na? Male late na tayo dahil dyan sa katamaram mo e!" Sabi ko sabay hila sa kanya papuntang room.
"Wait!Arci?" Tawag sakin ni Jake kaya napatigil ako at tumingin sa kanya.
" anoo?" Ako.
Ngumiti siya "i love you."
"YIEEEEEEEEE" sigawa nang nasa paligid namin.
Uh-oh. Nasa gitna pala kami nang gym, sht! Kaya halos lahat ay samin nakatingin, badtrip kase!
"Tara na! Ang corny mong bakla ka!" Ako.
Hilig ko kase ang asarin siyang bakla.
"Kilig ka naman." Pangaasar niya.
Ugh! Oo na! Sige na ! Ako na kinilig! :">
Di nako sumagot at nagpatuloy sa paghila sa kanya papuntang room.
Pumasok ako at umupo sa inuupuan ko, sa unahan nang upuan ni Jake.
"Ang sweet niyo ha! Di na talaga kayo mapaghihiwalay no?" Sabi Lala, tropa namin yan. Ex ni Alex.
"Oo. Di na kami maghihiwalay." Sagot ni Jake kay Lala.
Umirap si Lala at sinabe "walang poreber" at tumingin kay Alex.
May something pa ata to a?
"Meron naman DAPAT e." Alex..
Ohh.
"Hephep! Wag nga kayong bitter, tamo kami ni Princess, KNK!" Daniel.
Napatingin kaming lahat sa kanya "KNK?!" Tanong namin.
"Kami na hindi kami." Sagot ni princess.
"Dami niyong alam, dun din naman hahantong yan!" Sabi ko.
Sinipa ni Jake ang upuan ko at may binatong papel.
May naka sulat na 'wag mo na silang pakialaman ang importante, mahal kita.'