***
mag iisang taon na ako dito sa maynila magmula ng hanapin ko ang kapalaran ko dito.
ulila na ako, hindi ko rin kilala ang mga kamag anak ko.
SA MANSIYON***
Busy ang lahat sa mansyon sa paghahanda ng masasarap na hapunan para sa pagdating ni sir lance. ang unika hijo ni mam thelma, galing daw ito ng brazil doon nito tinapos ang kurso niya.
"hyena wag kana tumulong dito, linisin mo na lang ang kwarto ni sir lance"
utos ni aling tonyang
"aa sige po aling tonyang"
saka ako umalis at tumungo sa kwarto ni sir.
SA KWARTO NI SIR LANCE***
mejo matagal tagal din akong naglinis sa kwarto.
nasa kasalukuyan akong naglilinis ng banyo, ng may marinig akong bumagsak sa kama na kanina ko lang nilinis.
agad akong lumabas ng banyo at upang makita kung anong nangyari.
tumambad sa kin ang lalake na may magandang suot na nakahiga sa kama.
mejo napansin yata ako, kaya sa pagkakahiga nilingon nya ako.
hindi ko aakalain tataasan nya ako ng kilay.
"oh ano?"
sabi nya
"k k kayo po ba si sir lance?"
nanginginig pa ang boses ko non
"oo ako nga , sige na lumabas kana magpapahinga pa ako"
sabi niya. saka niya kinuha ang unan at niyakap ito.
"sige po sir" nahihiya kong sabi
ilang hakbang nalang at mararating kona ang pinto ng bigla syang nagsalita.
"wait ! bago ka lang ba dito ?" sabi niya habang nakabaon ang muka nya sa unan.
"opo sir mag iisang taon palang ako"
mula sa kinahihigaan tumayo sya at lumapit sakin. napakatangkad nya at amoy na amoy ko ang napaka bangong pabango na bumabalot sa kanya.
kinuha nya ang kamay ko at tinago ito sa kaniyang malalambot na palad. saka sya ngumiti ng nakakaloko. ngiting para bang nanlilinlang at nanunukso.
tugudug.. tugudug.. tugudug...
dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso ko.. na para bang gusto ng lumabas.
hindi ko maiwasan hindi kiligin..
muli syang nagsalita
"nice to meet you ?" sabi nya na parang nagtatanong kung anong pangalan ko.
"h-h-hy-ena" putol putol kong sagot.
saka ko binawa ang kamay ko na kaninapa nakakulong sa palad niya.
tumalikod na sya at nagsalita muli
"you can go hyena" saka nya ako nginitian ulit.
SA LABAS NG KWARTO***
pag labas ko ng kwarto para bang gusto kong tumili sa kilig na nararamdaman ko. hinimas himas ko ang kamay ko na kanina ay nais nya ng angkinin.
bumaba na ako na may baon na ngiti sa labi .
"oh? tapos kanaba?" tanong ni aling tonyang
"o-opo naroon na pala po si sir lance nagpapahinga. t-tapos na po ba syang kumain? "
BINABASA MO ANG
the curse of love
Horror***** Ang buong akala ni hyena ang pagluwas sa maynila ang tutugon sa mga pangarap niya. naging maganda man ang buhay niya doon bilang isang katulong, magandang trato at mababait na kasama ang bumungad sa kanya. hindi niya inaasahan na darating sa b...