Iya Albularya

237 4 0
                                    

Hi ! Here's my first story dito sa wattpad :) I hope you like it, Happy reading :*

  -Sheila Noreen

____________________________________________________________________

CHAPTER 1

"Ay naku! Ayan MAng Pilo,may sumbrelo tapos maliit,naduwende ho si Junjun kaya pabalik-balik ang lagnat niya!",hayag ni Iya na isang kilala na magaling na albularya sa kanilang lugar sa Sta.Ignacia. Naroon sya ngayon sa bahay ng mag-asawang Pilo at Nena at katatapos lang makita ang resulta ng pagtatawas na ginawa sa anak ng mga ito na si Junjun.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa batang ito!", sabi ni Aling Nena sabay pingot sa anak.

"Aray naman 'nay! ano bang malay ko sa duwende na yan? Sus!",inis na tugon naman nito.

"Saan ka ba nagsuot kasi na bata ka? Galing ka sa kakahuyan no! Pinagbawalan na kitang pumunta don diba? MAy nababalitang tikbalang dun ah!",mahabang sabi ni Mang Pilo.

"tunay ho?",sabat ni Iya na sa oras ding yun ay nililigpit na ang mga gamit na ginamit nya sa pagtatawas.

"Ay tunay yun iha!Sus! 'nung isang araw eh nagkagulo ang mga kapit-bahay,kundangan kasing nagtatakbo si Pilar,yung may-ari ng tindahan sa kanto dyan,galing daw kakahuyan at may narinig na halinghing ng kabayo!",kwento ng may-bahay ni Mang Pilo.

Natigil sya sa paglalagay ng mga gamit sa kanyang bag at interesadong nagtanong,"eh ano hong nangyari?"

Tumayo si Mang Pilo at inabot ang itak na nasa mesa at nilagay sa lagayan nito na nakasabit na sa bewang.

"Aba edi hayun! Putlang-putla at hinihingal! Dapat lang sakanya yun! eh ang sabi-sabi ng mga makakating dilang kapit-bahay,makikipagkita daw dapat si Pilar sa kalaguyo nya doon sa kakahuyan",sinuot na din ni Mang Pilo ang kanyang salakot. "May-asawang tao ganun ang ginagawa!"

"Eh bakit naman ho sa kakahuyan ang tagpuan nila?"

"Aba! Edi alam na! May dala nbga daw na kumot itong si Pilar."

Napahagikhik na lang si Iya sa sinabing iyon ni Mang Pilo, tinapos niya na riun ang pag-iimis ng mga gamit niya.

"Maiba tayo iha,ano ba ang dapat gawin dito kay Junjun ko?"

Tumayo sya at inayos ang pagkakaayos ng bag niya.

"Mabuti ho kung mag_aalay kayo ng pagkain sa bahay ng duwende". tumingin sya kay Junjun na noon din ay nakaupo na sa higaan na yari sa kawayan.

"San ka ba sa kakahuyan nagtungo Junjun?Ano ginawa mo dun?"

"Dun na sa may bandang looban na ate,may puno ng mangga doon eh,nangunguha po ako ng mangga eh tapos naiihi na ako,kaya ayun! dun po ako jumingle sa gilid ng puno,malay ko po bang totoo yung nuno sa punso"

"lintik kang bata ka! Buti na lang at lagnat lang ang parusa ng duwende sayo,paano kung pinalaki yan totoy mo?!",galit na sabi ng ina nito.

"Edi ayos 'nay! "

Natawa na lang si Iya ng piningot ni Aling Nena ang anak at pumalahaw ito sa sakit habang tumatawa.

"Tumigil na nga kayong mag-ina",bumaling ito sakanya."Iya ano ba ang pwedeng ialay sa duwende?"

"Manok ho Mang Pilo,pero wag niyo po lalagyan ng asin uh,tapos ilagay niyo po sa tabi ng punso tsaka kayo humingi ng sorry."

"oh sya sige,magluluto na ako ng manok.",sabi ni Aling Nena."Pilo gumayak ka na din. Ihatid mo muna si Iya sa bahay nila."

"Sige,kailangan ko na din bumalik sa farm,darating ang pinsan ni Sir Joshua eh. Tara na iha."

"Sige ho. Paano Aling Nena,tutuloy na po ako."

Iya AlbularyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon