Manong driver: ooohhh! aalis na tayo
Mark Joseph: Aammm! Manong driver dadaan po ba tayo sa Tulay?
Manong driver: Iho saang? Tulay
Mark Joseph: Sa Tulay ng pulang bato Po.
Manong driver: aahhhh eehhhh di ba walang ilaw doon?( takot na sinabi )
Mark joseph: Doon lang po kasi ang pinakamalapit na daan papunta sa Subdivision
Manong driver: sige na aalis na tayo!
Umalis ang jeep sa eksaktong oras na 11:15 Nadagdagan ang pasahero ng jeep ng 5 ( Isang matanda at kanyang apo,dalawang mag asawa at isang Dalagang Call Center Agent )
Dalaga: kuya magkano papuntang Subdivision ng San Janilo?
Manong driver: Kinse ( 15 )
Mark joseph: Miss taga San Janilo ka din pala!
Dalaga: opo doon po kasi ako nangungupahan
Mark joseph: Aaahhhh! ganun ba. Bakit? di ka kumuha ng bahay.
Dalaga: Minsan po kasi umuuwi ako sa Nanay ko
Manong driver: NASA TULAY NA TAYO humawak kayo bibilisan ko ang takbo
sabay-sabay na humawak ng mahigpit sa bakal na nakakabit sa parteng ibabaw ng kanilang ulunan...........binuksan ng malakas ang ilaw ng sinasakyang jeep......pagkadating sa TULAY ng Pulang bato sa di malaman na dahilan tumayo ang balahibo ni Mark joseph.
Mark joseph: ang lamig na man dito.....[ Hanggang nakakita siya ng isang babae na nakatingin sa kanila].( kinusot ang mata ) ha! nasaan na yung babae?
Matanda: Iho anong Babae?Ehhh tayo lang ang nandito.... baka namalik mata ka lang?
Mark joseph: Siguro nga po.....baka po nalipasan lang ako ng gutom
Manong driver: oohhhh! nandito na tayo sa San Janilo
Bumaba si Mark joseph at ang dalaga........nakauwi siya ng eksaktong 11:48 pero hindi mawala sa kanyang isipan ang babaeng nakatingin sa kanila habang umaandar ang sinasakyang jeep.
BINABASA MO ANG
TULAY
HorrorIsang kuwento ng gwardya na gabi gabi na dumadaan sa Tulay ng Pulang bato