Lumapit ako sayo noon. Para makipagkilala pero sadyang mailap talaga at hindi ko kayang gawin. Nasa tapat ka ng isang restaurant palinga linga at tila may hinahanap~ Ako, Nakasiksik sa may sulok at pilit sumusulyap ng tingin sayo. Bata pa tayo noong araw, magka schoolmate at pilipit talaga ang dila ako ayaw sabihin ang dapat sasabihin sayo. Napatingin ka sa may gawi ko at bigla akong kinabahan. Yung tibok ng dibdib ko kakaiba. Ewan, sasabog ata. Ngumiti ako. At ngumiti ka rin. Sobrang saya ko. Sa wakas napansin mo ako. Sa wakas. Lalapit na sana ako dahil may lakas na ako ng loob ngunit subalit datapwat ay nabali ang lahat ng may marinig akong tinig sa aking likuran. Tinig na nagmumula sa isang lalaki. Nalungkot ako ng sobra. Yung ngiti mo na iyon. Hindi pala para sa akin. Akala ko may pag asa pa akong magkakilala tayo, na magkasama tayo. Pero wala ako'y nabigo.
- Jk