Pam's P.O.V.
"Ilang weeks ka nang hindi pumapasok at ngayon magpapakita ka dito sa harapan ko na may pasa ang mukha at may dalang violation form?! Kung hindi lang ako tinawagan ng Dean niyo eh malamang hanggang ngayon ay parang tanga pa rin kami ng Daddy mo kakahanap ng anino mo!"
Maaga pa lang ang ingay na dito sa Dean's office. Sino na naman ba kasing pasaway ang nabigyan na naman ng violation form? Mga kabataan nga talaga sa panahon ngayon, wala ng inatupag kundi puro kasiyahan at kalokohan. Di man lang nag iisip para sa kanilang kinabukasan. Hayy.. tama na nga. At least hindi ako katulad nila. By the way, I'm Prinna Ash Martinez, pero mas kilala ako sa nickname na PAM. Initials kasi ito ng name ko kaya ito ang ibinigay na palayaw ng mama ko. Well gusto ko rin naman to dahil mas madaling sabihin kesa sa Prinna. Isa akong 4th year college student taking up BS Pshychology. Konting kembot na lang gagraduate na ko. Isa rin akong fiction writer sa publication ng school namin. I found the job entertaining lalo na at kapag wala akong ginagawa ay pagsusulat lamang ang inaatupag ko. I know napipicture out niyong parang geeky yung style ko with matching glasses. But no, I'm a fashion critic sa mga magazines kaya normal pa rin naman ako. Actually, marami ang tagahanga ko especially lower year levels. Pagkatapos kong ilapag sa Dean's table ang mga files na pinadala ng accountancy prof ko eh agad na kong lumabas. Pero natigilan ako ng tumambad sakin ang maamong mukha ng isang lalaki. Gwapo siya kaya lang may pasa sa kabilang pisngi ng mukha niya. At makikita mo ang bad boy aura sa kanya lalo na at sinamahan pa ng piercings sa tenga niya at ... may hawak rin siyang violation form. Napakacold niyang tumitig habang nasa harap siya ng office sa other side at nakasandal sa pader. Mukhang ito yung pinapaglitan kanina na abot pa sa kabilang kanto ang ingay. Wow ha, parang di man lang toh natinag, halata sa mukha ang angas eh. Bigla siyang umalis sa pagkakasandal at tumayo ng tuwid sabay lakad palapit sakin. Ng nasa may pintuan na siya ay mas nagkaroon ako ng chance na titigan pa siya ng mabuti.
O_O
Hala, ba't ang g-gwapo nito sa malapitan? Attracted ba ko sa mga bad boys? NO WAY! Mas lalong lumaki ang mata ko ng titigan din niya ko balik. Napalunok pa ko ng sarili kong laway ng kumunot ang noo niya.
"Wala ka bang balak umalis dyan sa pinto?"
Ay?
Nakaharang pala ako. Antanga lang-.-Pam: Sorry..
Pagkatapos kong umalis ay pumasok na siya ng office. Aba! Ang presko lang ha! Tss..
Gavin's P.O.V.
HAYYYY... Ang aga-aga ang ingay ng nanay ko. Abot hanggang kabilang planeta ang pagkaOA niya. Alam naman niya sa simula't sapul pa lang ay pasaway na ko. Hindi na siya nasanay pa. Noong nasa grade school pa lang ako sa academy n toh ay puro laman ng violation forms ang pangalan ko. At hindi lang yan, hindi din ako pumapasok sa mga subjects ko. Always akong nagkacutting classes kasama ang tropa kong puro din mga pasaway. Ewan ko nga ba at bakit pa kami sikat sa paaralang toh eh. Kahit yung ibang mga paaralan kilala rin kami. AXI ang tawag sa grupo namin, binubuo ng 15 members na puro mga kalalakihan. Sinasabi nilang sikat kami sa mga babae na in fact ay hindi naman toto-o. Sila lang naman kasi ang naghahabol samin at palaging sumusunod sa hide-out namin. Kaya palagi kaming natotrouble dahil kahit may mga boyfriend na sila, kumakapit pa rin sila samin. Napaupo ako sa upuan na kaharap ng Dean's office. Alam kong nakakainis ang mga katulad naming lalaki pero ito AKO. Dito sa paraang toh ako masaya. Kinalikot ko muna ang cellphone ko bago tuluyang natuon ang atensyon ko sa bagong dating sa office. And it's the dean. Pagkaupo niya sa upuan niya ay tinitigan niya agad ako ng matalim sa mata. I replied with a boring expression to his stares.
Dean: What am I suppose to do with you? he said as he open the envelopes folded at front of him. Siguro mga funds and expenses ng school na kailangan niyang pirmahan.
Gavin: Don't mind me. Atupagin mo muna tong paaralan bago ang isang katulad ko. sabi ko sa kanya at ngumuya ng bubblegum sa harap niya.
He looked at me with an annoyed expression.
Dean: Kung pupwede ko lamang yan gawin. But I can't bear to see my own SON in this kind of situation.
Napatigil ako sa pagnguya. At ngayon tinuturing niya ko bilang anak niya. Yes, you read it right. The Dean of our Academy or let's say the owner of this school is my FATHER. MY BIOLOGICAL FATHER. Pero, NEVER, NEVER in my life na tinuring niya ko as his own. Ngayon ko lng narinig mula sa kanya ang mga salitang toh. Tinuturing niya ko as his ILLEGITIMATE SON. Ikinuom ko ang mga kamao ko as I stare at him coldly.
Gavin: Kailan mo pa ko tinuring bilang sarili mong anak?
Dean: I am your father, and no matter what you do sakin pa rin ang bagsak mo.
Gavin: No! Kahit kelan di mo ko tinuring bilang anak mo! Kinalimutan mo lahat-lahat ng nangyari sa inyo ni mommy, kahit ako ay kinalimutan mo. Just to save your image and your money. How come that you changed your mind right now and claiming that I'm your OWN SON ?!
Dean: Gavin Spencer Montecero ! Pagod na pagod na kaming intindihin yang ugali mo ! At ang pagiging immature mo ! Mula grade school hanggang college, ni minsan hindi nagbago yang kagaguhan mo !
Gavin: So bakit mo pa kailangang intindihin ?! Kinuhanan mo na ko ng karapatang tawagin ka bilang ama ko, now let's bring back the favor, wala ka na ring karapatang tawagin ako bilang sarili mong anak.
Dean: I still have your mother Gavin. And no matter what you do, kakapit siya sakin para lang buhayin ka.Pagkarinig ko nun ay napatayo agad ako sa upuan ko. Pinatong ko yung dalawa kong kamay sa table niya at linapit ang mukha ko sa mukha niya.
Gavin: Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng ama na katulad mo. Napakamalas ko! Dahil sarili mong pamilya hindi mo magawang panindigan ng maayos. Ang UNA mong PAMILYA. Ang TOTO-O mong PAMILYA. Ang pamilyang itinago mo sa lahat. Diba, mahilig ka sa taguan? Don't worry, magaling akong magtago ng sekreto.
Bago pa siya magsalita ay agad na kong umalis sa harapan niya. Ngayon, alam niyo na ang storya ko. I'm the illegitimate son of the Academy's Dean. I'm Gavin Spencer Montecero, and frankly speaking I love being the BADASS.

BINABASA MO ANG
Fell InLove With The BADASS
RandomHe's not the boy of your dreams. Nor the boy who can surely pass your high standards. But he can make you "want" him. He can make you fell in love with him. Though, he's not the good boy. But you'll end up falling in love with the BADASS.